Carmina Villarroel addresses “pakialamera, matapobre” allegations

Sa wakas ay nagpaunlak ang aktres at TV host na si Carmina Villarroel ng mahaba-habang panayam sa media matapos ang ilang isyung ibinabato sa kanya.

Sa finale presscon ng Abot-Kamay Na Pangarap ngayong hapon ng Miyerkules, October 2, 2024, nausisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling media si Carmina kaugnay ng mga isyung kinasasangkutan.

The cast and crew of Abot-Kamay Na Pangarap

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ilan dito ay may kaugnayan sa kambal na anak nila ni Zoren Legaspi na sina Mavy Legaspi at Cassy Legaspi, pati na ang mga post niya sa social media na binibigyan ng ibang kahulugan ng ilan.

CARMINA VILLARROEL ON MISCONCEPTIONS ABOUT HER

Binalikan ng PEP ang naging post ni Mavy sa Instagram sa ika-49 kaarawan ni Carmina noong August 17, 2024.

Dito ay ipinagtanggol ni Mavy ang ina, at sinabing mabuting tao ito.

Bahagi ng mensahe ni Mavy para sa ina, “Being the strong woman that you are—you continue live to on, ignore all the negativity and continue to be the kind person that you truly are in this not so kind world. I am passionate about it when I say that you are kind. Mabuti kang tao, Ma.”

Reaksiyon dito ni Carmina: “Siyempre, I think it’s a normal thing to do, ‘no?

“Siyempre kung nanay mo or kapatid mo, anak mo, of course you would defend your loved ones, di ba?

“So, I guess, it’s just a normal feeling.

“And I appreciate my son. I appreciate my daughter. I appreciate my family.

“Because through thick and thin, makikita mo naman talaga yung pagmamahal namin, it’s just overflowing.”

Ang ikinalulungkot lang daw niya ay binibigyan ng ibang kahulugan ang bawat ikinikilos nila sa social media.

Aniya, “It’s just so sad na people… parang may misconception lang.

“Kasi katulad nga nung sinabi ko, antagal ko na sa industriya, yung mga nakasabayan kong artista, or press, or yung mga fans ko ever since, you guys would know.

“Kasi, di ba? Noong nagsisimula pa lang ako, nagsisimula pa lang..

“Ang point ko lang, ganito lang po yun. Kung masama akong tao, kung sinasabi nila, matapobre ako, or pakilaamera ako, o ganito-ganito, na dapat noon pa, di ba?

“Dapat noon pa, natsismis na yan, na masama akong tao, na ganito-ganito.

“But if you look back, yung mga chismis, wala kang may kitang ganun.

“I’m not saying I’m perfect. Nobody’s perfect.

“Pero wala kang maririnig sa akin na diva ako, na matapobre ako.

“Ngayon na lang, or last year na lang ito.”

Dagdag ni Carmina: “So, and only, I don’t wanna say it, I don’t wanna think about it, but parang lumalabas lang na meron lang gusto talagang manira sa akin at sa pamilya ko.

“Let’s all face that.

“Kasi sino naman ang gagawa, all of a sudden? Bigla na lang may gagawang ano.

“It’s just so sad na ang social media ngayon, may nabasa lang, may napanood lang, papaniwalaan na kaagad without really identifying or without really researching or knowing the truth o yung pinagsimulan ng video.”

CARMINA VILLARROEL NOT AFFECTED BY ISSUES

Ayon kay Carmina, ibang klase ang netizens dahil ginagawan ng malisya ang mga pinagdudugtung-dugtong na magkakaibang video.

Ang tinutukoy niya ay ang kanyang naging pahayag sa dating podcast nila ng mga kaibigang sina Gelli de Belen at Candy Pangilinan, at ng kapatid niyang si Janice de Belen.

Sabi ni Carmina noon, hindi niya papayagang magkatuluyan ang kanyang anak at ang karelasyon nitong hindi niya type.

Inuugnay ang sinabi niyang iyon nang magkarelasyon pa si Mavy at ang ex-girlfriend nitong si Kyline Alcantara.

Paliwanag ni Carmina tungkol dito: “So, yung video ko dati sa podcast namin na Wala Pa Kaming Title, na ginawa namin during pandemic…

“So, pag titingnan mo yung timeline, ang layo.

“So, ano man yung sinabi ko noon, I wasn’t pertaining to anyone.

“It was just a question na inano sa akin na parang out of the blue.

“But again, I wasn’t pertaining to anyone.

“And kilala niyo naman ako. Pag mayroon na akong sama na loob sa isang tao, hindi ako naggaganyan.”

Naaapektuhan pa ba siya sa mga ganitong klaseng mga isyu?

Sagot ni Carmina, “Hindi naman. It’s just parang naano lang ako.

“Hindi ako naapektuhan pero, parang, ‘Talaga ba?’ Nagulat ka lang, na-shock ka lang.

“‘May naniniwala ba talaga?’ Na parang, ‘Oh wow!’

“Sabi ko, ‘Grabe talaga yung power ng social media.’

“Parang, of course, naano ko lang yung time namin at yung time ngayon. Na grabe na pala.

“Na parang ngayon talaga, papaniwalaan nila kung ano yung gusto mong paniwalaan.”

Samantala, sa darating na October 19, 2024 na ang finale ng top-rating afternoon drama na Abot-Kamay Na Pangarap.