Carlos Yulo reveals mental health struggles during training

Overwhelmed pa rin si Carlos Yulo nang humarap sa press kahapon, August 31, during a tribute arranged by an online gaming sponsor sa Gateway, Cubao, Quezon City.

Carlos Yulo
Two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo

Photo/s: Mark Angelo Ching

Binigyan kasi siya ng five million peso reward ng DigiPlus, na isa sa mga nag-sponsor sa kanyang Paris Olympics journey. Kasabay ng monetary reward ay pumirma rin siya ng renewal contract with the brand.

Carlos Yulo
Left to right: Gymnastics Association of the Philippines President Cynthia Carrion, DigiPlus Head of Offline Operations Jasper Vicencio, double Olympic gold medalist and ArenaPlus brand ambassador Carlos Yulo, DigiPlus Chairman Eusebio Tanco, and DigiPlus Vice President Celeste Jovenir

Photo/s: Mark Angelo Ching

Hindi pa rin makapaniwala ang Philippine golden boy sa sunud-sunod na pagbuhos ng mga biyaya para sa kanya. Sa pagtataya ng PEP.ph, lumagpas na sa 100 million pesos ang lahat ng natanggap niya.

Carlos Yulo

Photo/s: Mark Angelo Ching

Sa pakikipag-usap sa press, inamin ng atleta na hindi siya materialistic kaya’t hindi niya alam kung saan niya gagastusin ang naturang halaga.

“Siguro nung bata po ako sasakyan,” sabi ni Carlos. “Kaso binigyan na po ako ng Toyota, e. So I don’t have to buy na po.”

Malamang ay gagamitin daw niya ang pondo sa pagte-training.

Aniya, “Siguro sa mga gym stuff ko po na kailangang gastusan, dun po ako magpo-focus.”

Carlos Yulo wins back-to-back gold medals for the Philippines

Carlos Yulo takes home the gold in Olympic men’s floor exercise

CARLOS REVEALS MENTAL HEALTH STRUGGLES

Kuwento ng award-winning gymnast, mas importante sa kanya na natupad ang kanyang pangarap na manalo sa Olympics.

Panimula niya, “Sobrang bonus po talaga yung dumadating sa buhay ko. Talagang pinakamahalaga sa akin yung gold medal na nakuha ko, e. Bilang bata na nangarap talaga at naabot ang pangarap.”

Marami raw kasi siyang pinagdaanang paghihirap. Kasama na raw diyan ang matinding depression nang magsimula siyang mag-training sa Japan noong 2016 habang siya ay 16 years old pa lang.

“Malayo sa pamilya, malayo sa lahat. Walang kakilala, di alam yung culture, di alam yung language, and hindi naman po ako kagaling mag-English that time.

“And kahit marunong ako mag-English that time, di rin po sila marunong mag-English. So yung barrier po na yun, nahirapan po ako,” paliwanag niya.

Nahirapan din daw siyang mag-adjust sa training with Coach Munehiro Kugimiya.

Pag-amin niya, “Sobrang shocked po ako. Mabigat po yun sa mga teenager na kagaya ko that time. And siyempre mahirap din po yung training, iba po yung training sa Pilipinas, and iba po yung naging training ko sa Japan.”

Dahil daw dito ay naisip niyang “mawala sa mundo.”

“Umabot na din po sa point na na-depress ako and gusto nang mawala sa mundo talaga. Nagdasal po talaga ako that day. Hindi po kasi ako makatulog. And naiisip na mawala talaga,” dagdag pa niya.

Nakatulong raw ang pananalig niya sa Diyos para malampasan ang ganoong pangyayari.

“Nagdasal ako kay Lord hanggang sa nakatulog ako. The next day, medyo um-okay na po. Pero hindi pa rin natatapos talaga yung challenges.

“Nandun pa rin yung difficulties. Di talaga maiwasan. Pero may clarity po after ko mag-pray and when I wake up po mas lively na ako ng kaunti,” pakli niya.

Bukod sa kanyang pananampalataya ay nakatulong rin daw sa kanya na may mga taong tumulong sa kanya.

“Nagpapasalamat din ako kay Lord talaga na binigyan niya ako ng mga taong magmamahal sa akin at susuportahan ako sa mga ganung event sa buhay ko.”

CARLOS ON HANDLING FAME

Ngayong nanalo na siya ng dalawang gold medals ay tila nag-iba na ang kanyang mundo. Kakaiba raw ang pakiramdam na tila sikat na sikat siya at maraming nakakilala sa kanya.

“Yun nga po nakaka-overwhelm. Before naman may mga nagpapa-picture, pero di po kagaya ngayon. Sobrang overwhelming po ng experience na ito para sa akin,” sabi ng 24-year-old celebrity.

Ganunpaman, nais na lang daw niyang gamitin ang experience na ito para makatulong sa ibang mga tao.

Aniya, “Siguro panibagong step po and another level. Kasi hindi ko naman po talaga mundo ‘to and sports talaga yung alam kong gawin and mag-training nang mga-training.

“But at the same time, feeling ko ito rin po yung puwede kong gawing way para makatulong sa ibang mga tao lalo na sa mga kabataan na nangangarap po.”

Halimbawa nito ay ang kagustuhan niyang makasama sa training ang mga baguhang atleta na sasali sa Palarong Pambansa.

“Mas ok po na mag-visit po sila rito. I want po kasi to share knowledge. Mas maganda kung dito po gaganapin kasi mas may equipment po rito sa Manila and mas exciting kung makakasabay ko sila mag-training,” pahayag niya.

CARLOS plans ahead for next competitions

Sa ngayon, ini-enjoy na lang ni Carlos ang mga pangyayari kaya’t wala pa siyang oras na iplano ang susunod na mga sasalihang kumpetisyon.

Sabi niya, “Gusto ko rin po mag-take ng time magpahinga and siyempre planuhin nang maayos kung saan ako sasali na mga competitions. Para makapag-prepare po ako nang maayos and healthy kung maglalaro po ako sa SEA Games.”

Excited din siya sa paglipad niya papuntang Paris sa susunod na mga araw para sa Paralympics games.

“May kaunting vacation na mangyayari po sa akin. Very happy and very blessed po. Makakapanood po ako ng Paralympics. First time ko pong makakanood ng ganung event,” excited niyang pahayag.