CARLOS YULO, GUSTONG MAGING PARTE NG BATANG QUIAPO Nagbahagi ang two-time Olymp

CARLOS YULO, GUSTONG MAGING PARTE NG BATANG QUIAPO

Nagbahagi ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo na handa siyang sumabak sa isang role sa FPJ’s Batang Quiapo.

Sa isang panayam, ayon sa kanya payag daw syang lumabas sa nasabing programa kahit sa isang episode lamang.

“Kung iimbitahan po ako ni Sir Coco Martin sa ‘Batang Quiapo’ kahit isang shooting day lang, papayag ako. Game na game po ako. Bahala na po si Direk Coco kung ano ‘yung magiging role ko,” ayon kay Carlos Yulo.

Usap-usapan din ang posibleng paglabas ni Chloe sa nasabing show lalo na’t lumabas na ang singer sa ASAP kahapon.

Hindi pa sinasagot ni Chloe kung payag ba siyang sumabak sa pag-arte.

#CarlosYulo #chloesanjose #batangquiapo2024

Photos: ABS-CBN