Carla Abellana, Natuto Na Nag-iingat Na Sa Pagpili Ng Karelasyon


 Matapos ang isang masalimuot na karanasan sa kanyang nakaraang relasyon, nagbigay ng pahayag ang Kapuso aktres na si Carla Abellana tungkol sa kanyang pananaw sa pag-ibig at mga posibleng bagong simula.

Sa isang panayam sa YouTube channel ni Julius Babao, inamin ni Carla na handa na siyang muling magmahal at pumasok sa isang seryosong relasyon. Gayunpaman, binigyang-diin niya na hindi na siya basta-basta magtitiwala sa isang lalaki. 

Ayon sa kanya, “Yes, sa maraming bagay. Hindi naman po sa dating, dating, ‘yung typical dating na lumalabas na ganyan pero lagi ko naman pong sinasabi na open naman po ako.”

Matapos ang kanilang kontrobersyal na paghihiwalay ng kanyang ex-husband na si Tom Rodriguez, sinabi ni Carla na ngayon ay buo na ang kanyang pagkatao at bukas na ang kanyang puso para muling umibig. 

“Ngayon daw ay bukas na ang puso ko para ma-in love uli dahil buong-buo na uli ang aking pagkatao,” dagdag pa niya.

Sa kabila ng kanyang openness sa posibilidad ng bagong relasyon, inamin ni Carla na hindi pa siya handang pumasok muli sa kasal. 

“Ayoko nang mag-asawa, nabanggit ko na yan. Ayoko na, sa totoo lang,” ani Carla. 

Gayunpaman, binigyang-diin niya na hindi niya isinasara ang pinto para sa posibilidad ng bagong pagmamahal. “Pero sa buhay, tingnan niyo na lang, nothing is certain. Sinasabi nating ayaw o gusto natin, pero may mga bagay na nangyayari na hindi natin inaasahan,” dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan, wala pang mga nanliligaw kay Carla, ngunit inamin niyang may mga nagparamdam na noon. 

“Lagi ko pong sinasabi na may mga nagpaparamdam pero siyempre, nag-iingat din po ako na after what happened to me mga ganon. Kailangan pipiliin ko po talaga ng mabuti,”  paliwanag ni Carla

Sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan, nananatiling positibo si Carla at patuloy na nagpapakita ng lakas at tapang. 

“I’m glad that the investigation continued and due diligence was done… As we move forward, may reconciliation happen and may we all continue to do better and be better. Peace and Love, God bless,” saad pa niya.

Ang mga pahayag ni Carla ay nagpapakita ng kanyang maturity at readiness na muling buksan ang kanyang puso para sa tamang tao, ngunit may pag-iingat at respeto sa kanyang sarili. Ang kanyang openness sa posibilidad ng bagong pagmamahal ay nagbibigay ng pag-asa sa mga tagahanga na naniniwala sa kanyang kakayahang muling magmahal at maging masaya.

Source: Carla Abellana, Natuto Na Nag-iingat Na Sa Pagpili Ng Karelasyon