Carla Abellana is selling dirty and overpriced pre-loved items.

Hindi alam ngayon ng ilang mga netizens kung ano ang pumasok sa isip ng Kapuso aktres na si Carla Abellana sa pagbebenta nito ng mga preloved items na may mataas na presyo na hindi nararapat sa mga kondisyon nito.

Tila hindi rin umano applicable para sa mga items ni Carla Abella ang kadalasang sinasabi ng mga preloved items seller na ‘used but not abused’ dahil karamihan sa mga ibinibentang preloved items ng aktres ay puro abused.

Bukod sa pagiging inabuso ng mga item na ibinibenta ni Carla Abellana, napakamahal pa rin umano nito na tila hindi pa ginamit gayung makikita naman sa mga item na gamit na gamit ito dahil sa mga dumi na dumidikit rito.

Nito lamang February 5, 2024, nagbahagi ng isang post si Carla Abellana kung saan ipinaalam niya sa kanyang mga followers na may mga panibagong item na inilagay sa isa pa niyang account na para sa pagbibinta niya ng mga pinaglumaang gamit.

Kalakip pa ng kanyang post ang screenshot ng kanyang account na may pangalan na Carla Angeline’s Closet at ang larawan ng mga item na ibinibenta niya roon.

Sa caption inilahad pa ni Carla Abellana na binabaan na niya ang mga presyo ng ibinibentang items.

Makikita naman sa profile ng ibinahaging account ni Carla Abellana na naroon ang mga item na ibinibenta niya, nakasaad din sa caption ang mga mahahalagang detalye patungkol sa mga item at kung hindi niya ibinibenta ang mga ito.

Pero, ikinadismaya ito ng ilang mga followers ng aktres ang kanilang nasaksihan sa mga item na ibinibenta ng aktres dahil maliban sa napakataas na presyo, patapon na rin ang mga ito dahil sa kondisyon ng mga ito.

Katulad na lamang sa ibinibentang French Sole Leopard Ballet Flats ng aktres sa halagang 2500 pesos dahil napakadumi umano nito na tila may mga libag pang naiwan mula sa paa ng huling gumamit.

Hindi man lamang muna nilinis ng aktres bago kuhanan ng litrato at ibenta. Hindi naman napigilan ng ilang mga netizens na makapagsabing dugyot sa gamit ni Carla Abellana at hindi rin umano ito marunong mag-alaga kaya nanggitatat na ito.

Marami naman ang hindi makapaniwala na si Carla Abellana mismo ang nagbibenta ng mga items na ito dahil tila hindi magagamit ang ilang mga items. May mga nagsasabi pang mas mabuti pang sa ukay-ukay na lamang bumili dahil bukod sa mura, mas maayos pa ang mg kondisyon nito kaysa sa mga ibinibenta ni Carla Abellana.

Bukod pa rito, pinuna rin ng mga netizens ang swelas ng mga sapatos ni Carla Abellana dahil napakadumi pa ng mga ito, may mga lupa at puti pa pero ibinibenta pa rin ng napakamahal.

May ilan pang netizens ang nagtatanong sa aktres kung wala ba umanong nakapagpayo rito na ipamigay na lamang ang mga items na ito dahil tila hindi na umano mapapakinabangan.

May mga nagtatangol naman sa aktres patungkol sa presyo ng kanyang mga gamit dahil hindi naman umano maitatanggi na sikat si Carla Abellana kaya naman may honor na ang paggamit sa mga pinaglumaan nito.

Kaagad naman itong sinagot ng mga bashers na nakakahiya sa paggamit ng items ni Carla Abellana at mas mabuti pang bumili ng ibang brand na maayos pa kaysa sa mga items ng aktres na nakakahiya na gamitin.

Marami naman ang nagdududa kung mismong si Carla Abellana na ba ang nagpost nito at baka na hack lamang ang account ng aktres na naging dahilan kung bakit nakapagpost ito ng mga ganoong uri ng items sa napakataas na presyo.