Cambodian Stars Leav Veng Hour, Rern Nat fell in love on Z-Mom

Co-stars turned couple ang humarap sa media sa presscon ng Cambodian movie na Z-Mom na ginanap noong Lunes, August 26, 2024, sa S’Maison Atrium, Pasay City.

Sila ay sina Leav Veng Hour at Rern Nat, mga Cambodian pageant stars na bida sa naturang horror flick.

Si Veng ay ang current reigning titleholder ng Mister Friendship International pageant.

Samantala, ang girlfriend niyang si Rern naman ay naging Miss Cambodia noong 2017.

Panandalian silang bumisita sa Pilipinas para i-promote ang Z-Mom, na palabas na sa SM Cinemas hanggang September 3.

Czech star gymnast taking selfie falls off mountain; dies

Armie Hammer sells favorite truck after cannibalism scandal

 Leav Veng Hour and Rern Nat headline Z-mom

Leav Veng Hour and Rern Nat: love on set

Sa pagharap nila sa press, ikinuwento nila na sa shooting ng pelikula sila nagka-develop-an.

First time daw makita ni Veng si Rern sa first day of shooting.

“That relationship started after we met on set. First day on set was the first day I met her,” saad ng matangkad na pageant king turned actor.

Dagdag pa niya, naging professional muna sila sa simula, ngunit nagka-develop-an dahil na rin sa closeness ng characters nila sa pelikula.

Gumanap kasi sila bilang mag-asawa na may dalawang anak.

“We’re still professional at work. We cannot put emotions in and we have to put personal lives aside.

“But the fact that we were also playing a married couple, it helped our relationship outside,” pahayag ni Veng.

Sinabi naman ni Rern, mas naging madali ang role nila noong nagka-seryosohan sila during the shooting.

Hindi nakakapag-Ingles ang beauty queen kaya’t tina-translate ng kanyang boyfriend ang kanyang mga sinasabi.

“It helped her get into character a lot better because she experienced sacrifice in the movie and she can imagine if something like that will happen to me in real life,” pagta-translate ni Veng.

ZOMBIE MOM

Ang Z-Mom ay tungkol sa isang family of four na na-trap sa isang resort island na puno ng zombies.

Box office hit daw ito sa Cambodia, ayon kay Veng.

“We released it on a weekday, we weren’t expecting a big show up because it’s a weekday, it’s a Thursday.

“We were blown away, we were surprised. People were showing up and waiting for the movie to start,” sabi ng model-actor.

Dahil dito, natutuwa sila na maipalabas ito sa Pilipinas. Sa excitement nila ay bumisita pa sila sa bansa para i-promote ito.

filipino connections

First time man ni Veng na pumunta sa Pinas ay hindi na bago sa kanya ang pakikisalamuha sa mga Pinoy.

Aniya, lumaki siya sa Washington kung saan maraming Filipino-Americans.

“My roommate in the University was a Filipino. I grew up in the U.S., Washington, around a big group of Filipino-Americans.

“So I am used to the warmth and welcoming smiles of Filipinos,” saad niya.

Si Rern naman ay nakabisita na sa Pilipinas para sa pageant training matapos niyang manalo ng Miss Cambodia.

Naging paborito pa nga raw ng beauty queen ang sinigang.

MORE MOVIES ON THE WAY?

Tanong ng press, ngayong naging couple na sila ay mas excited pa ba sila na gumawa ulit ng pelikula?

Oo ang naging sagot ng magkasintahan, at sana raw ay rom-com na ito.

Open din silang ipalabas muli ito sa Pilipinas kung sakali.

Kung rom-com daw ang pelikula ay baka maging mas madali na ang shoot.

May mga naging difficult scenes kasi sa Z-Mom, tulad na lang ng scene na kinailangan ng character ni Rern na magbabad sa dagat para hindi maabot ng zombies ang kanyang sanggol.

“She had to spend 16 hours a day in the ocean to shoot that. Not only was it a difficult scene to shoot, it was also an important scene to show,” kuwento ni Veng.

Showing na ang Z-Mom sa SM Cinemas hanggang September 3. Bahagi ito ng AuGhost Exclusives program, which features three other Asian horror films na palabas sa naturang cinema chain.