
BTS members RM, V, Jimin, Jungkook finish off their mandatory military service
The long wait is over, Armys!
Opisyal nang na-discharge mula sa kanilang mandatory military service ang mga BTS members na sina RM, V, Jimin, at Jungkook.
Na-discharge si RM at V nitong June 10, habang na-discharge naman si Jimin at Jungkook nitong June 11.
WELCOME HOME, RM AND V! 🥹💜
BTS members na sina RM at V, opisyal nang na-discharge mula sa kanilang mandatory military service.
Samantala, inaasahan namang madi-discharge ang mga BTS members na sina Jimin at Jungkook bukas, June 11.
(Instagram/koreadispatch) pic.twitter.com/ZKHmG4Kebb
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) June 10, 2025
Sa isang press conference sa Chuncheon, Gangwon Province sa South Korea, nag-share sina RM at V patungkol sa kanilang naging military service experience.
“It was a meaningful time in which I could become closer to other people who have served in the military before,” pahayag ni RM.
“My time in the military gave me a chance to reset both my body and mind. I feel like a new person in many ways,” saad ni V.
OUR BUSAN BOYS ARE BACK! 🥳💜
BTS members na sina Jimin at Jungkook, opisyal nang na-discharge mula sa kanilang mandatory military service ngayong araw, June 11.
Kaugnay nito, inaasahan namang madi-discharge ang BTS member na si Suga sa June 21.
(Instagram/koreadispatch) pic.twitter.com/LddW5Ct3S6
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) June 11, 2025
Maliban kina RM at V, nagbahagi rin ng kanilang experience sina Jimin at Jungkook.
“It was my first time in the military, and I honestly don’t think it’s an easy place to be,” pahayag ni Jimin sa isang press conference na ginanap sa Yeoncheon Public Stadium.
“The juniors and our peers who were discharged slightly earlier went through a lot because they had to live with us,” pabirong saad naman ng Jungkook.
Tumagal nang halos dalawang taon bago nila na-complete ang kanilang military service.
정말 보고싶었어요 💜 pic.twitter.com/UnIcqeoVGR
— 방탄소년단 (@BTS_twt) June 10, 2025
Kaugnay nito, nagpahayag naman ng kanilang pasasalamat ang mga BTS members sa kanilang mga fans na matiyagang naghintay para sa kanilang comeback.
“I want to sincerely express my gratitude to ARMY who waited. If you wait just a little bit longer, we will return with great performances,” pahayag ni V.
“From the COVID-19 pandemic to our military service, it was quite a long period of time, so thank you so much for waiting. I feel as if we can continue to paint [the future] we have been drawing, and we will showcase even more improved sides of ourselves,” wika ni Jimin.
잡으러 왔습니다💜 pic.twitter.com/Gnn7n6kWhR
— 방탄소년단 (@BTS_twt) June 11, 2025
Maliban dito, hinighlight din ni RM ang kanilang kagustuhan na muling makapag-release ng album at makapag-perform sa harap ng kanilang libu-libong fans.
“I want to perform the most. I want to quickly work hard to make an album and return to the stage. We will greet [fans] again as BTS’s RM and V,” pahayag niya.
As of writing, anim sa pitong BTS members na ang nakakatapos ng kanilang military service.
Inaasahan namang madi-discharge ang BTS member na si Suga sa June 21.
Pagkatapos ng military service ni Suga, muli nang makukumpleto ang mga BTS members sa kauna-unahang pagkakataon, pagkatapos ng kani-kanilang mga military service.
Looking forward naman sa ngayon ang mga BTS fans para sa upcoming OT7 projects ng nasabing banda.
Source: BTS members RM, V, Jimin, Jungkook finish off their mandatory military service