Brave Francine Diaz’s Bold Response Against Orange and Lemons After Embarrassing Moment on Stage!

Naglabas na ng reaksyon ang Kapamilya actress na si Francine Diaz hinggil sa harapang pambabatikos sa kanya ng lead vocal ng bandang Orange and Lemons matapos ang nangyaring insidente sa isang event sa San Jose, Occidental Mindoro.

Nag-post ng cryptic tweet si Francine Diaz sa gitna ng kontrobersiyang kinaharap niya matapos mag-walk out ang OPM band na Orange and Lemons matapos ang biglaang paglabas niya sa stage para batiin ang kanyang mga tagahanga.

Nangyari ang insidente sa isang LGU event sa San Jose, Occidental Mindoro. Naghahanda na ang banda para sa kanilang performance nang biglang i-announce ng host ang pangalan ni Francine Diaz, dahilan para umakyat ang aktres sa stage.

Halatang nadismaya sa biglaang pag-akyat ni Francine Diaz, nag-walk out ang mga miyembro ng Orange and Lemons at hinintay na makaalis ang aktres sa stage.

Nang bumalik sa banda sa stage para mag-perform, nagpasaring ang lead vocals kay Francine Diaz na walang respeto at nananapaw.

“Gusto ko lang manghingi ng paumanhin pero kailangan ko lang sabihin ‘to… Para sa mga artista, sana walang sumisingit… Respeto lang ba?” pahayag ni Clem Castro.

Tila tinugon naman ni Francine Diaz ang naging marketing sa kanya ng bokalista ng banda sa pamamagitan ng pagbabahagi ng isang cryptic post.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Francine ang larawan ng regalong natanggap niya mula sa kanyang mga fans at gumawa ng cryptic caption patungkol sa pagbibigay respeto.

Kung saan inilahad niyang respect goes both ways.

Matatandaan na bago bumaba sa stage ang bandang Orange and Lemons ay hindi rin nila nirespeto ang performance ni Francine Diaz. Kahit kumakanta na ang aktres ay patuloy pa rin sa pagkalabit ng gitara ang gitarista ng banda hanggang sa napalingon na rito si Francine Diaz.

Kaagad rin namang tinapos ni Francine Diaz ang kanyang performance upang muli na ring ibigay sa bandang Orange and Lemons ang limelight.