Boss Toyo buys, smells underwear of adult star Eva Elfie

Nagpaliwanag si Jayson Luzadas, mas kilala bilang Boss Toyo, kung bakit nagparinigan sila ng asawang si Loves Jhoy sa social media matapos bilhin ng content creator ang underwear ng sikat na Russian adult actress, content creator, at YouTuber na si Eva Elfie.

Sa episode ng YouTube show ni Boss Toyo na Pinoy Pawnstars noong June 6, 2025, ipinalabas ang episode kung saan ibinenta ni Eva ang kanyang underwear kay Boss Toyo.

Bukod sa pagbili sa underwear ni Eva sa halagang $300 o lagpas sa PHP15K, inamoy pa ito ni Boss Toyo.

Boss Toyo smells panty of Eva Elfie


Pagkatapos maipalabas ang nasabing episode ay tila pabirong nagpasaring ang asawa ni Boss Toyo.

Pabirong pagsita ng asawa ng content creator (published as is): “Kaya pala wala ko sa shoot ng araw na yan di mo ko sinama! Akala ko maman sinong eva yun tinutukoy mo! Parapraan ka lng pla boy!”

BOSS TOYO EXPLAINS POST OF WIFE

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media si Boss Toyo sa World Gin Day celebration nitong Martes, June 10, 2025, sa Diamond Hotel Manila.

Dito ay inusisa siya tungkol sa post ng kanyang misis.

Ayon sa content creator, lambing lang iyon sa kanya ng asawa.

“Lambing lang lagi yung kay Love. Tsaka siyempre, hindi naman tayo kumikilos without her permission kaya pinapaalam ko rin naman yung mga pinupuntahan,” sabi ni Boss Toyo.

Direktang tanong ng PEP, “Inamoy mo talaga yung underwear?”

Tugon niya, “Siyempre inamoy ko, amoy Russian!”

Maraming natutuwa sa relasyon ni Boss Toyo at ng kanyang misis na kunwari ay nagkakatampuhan pero yun pala ay lambingan lamang nila ito.

Paliwanag ni Boss Toyo: “Very ano naman siya, very open naman siya when it comes to…

“Kasi ako, binubuhay ko lang yung, like, yung mga comedy skits before.

“Di ba, dati naman talaga, basta walang mga kissing, yung mga comedy skits na talaga naman ang daming shows na pinasikat before, di ba, gaya nung Palibhasa Lalake, puro pure ideas.

“So, gets nila yung pinu-portray ko, e. Pinapatawa ko lang sila na medyo sexy.”

BOSS TOYO ON COLLECTING MEMORABILIA

Inusisa rin ng media si Boss Toyo kung saan galing ang kagustuhan niyang mag-collect ng mga memorabilia.

Saad niya: “Talagang I’ve been watching mga collectors na nag-collect, collecting shows.

“So, yun yung nag-urge sa akin.

“Saka talagang gusto ko rin talaga patunayan na dito sa Pilipinas, kaya nating ipagmalaki yung mga sariling atin.

“Like yung mga sikat nating artista, vlogger, everything, na may halaga yung mga gamit.”

Ano naman ang pakiramdam niyang mismong mga artista ang lumalapit sa kanya upang magbenta ng mga importanteng bagay na kanilang pinakatagu-tago?

Sagot ni Boss Toyo: “Actually, lagi akong nasa-shock. Lagi akong naa-amaze dahil iba yung pakiramdam.

“Kasi nga, iniisip ko pa rin kasi na lumaki ako na sila yung pinapanood ko.

“So, every time na may nakakaharap ako, talagang nasa-shock ako.

“‘Totoo ba ito? Na ngayon nakakaharap na kita? Nakaka-chat kita, nakakausap?’

“And eventually, after the buying, after yung magbenta, nagiging magkaibigan pa?”

Sa mga darating na araw, bubuksan na ni Boss Toyo ang sarili niyang museum sa Quezon City.

Source: Boss Toyo buys, smells underwear of adult star Eva Elfie