Bonggang entrance ng BINI sa Grand Biniverse concert day one, mabilis nag-viral

– Mabilis na nag-viral ang entrance ng BINI sa kanilang Grand Biniverse concert day one

– Makikinig sa video ang hiyawan ng kanilang mga fans sa surpresang pasabog sa umpisa pa lang ng show

– Samantala, kanselado naman ang Day 2 ng kanilang 3-day concert dahil sa inaasahang paghagupit ng bagyong Pepito

– Gayunpaman, ang mga ticketholders sa araw na iyon ay mapapanood pa rin ang grupo sa Nobyembre 19

Nagbigay ng isang makapigil-hiningang performance ang Filipino girl group na BINI sa kanilang Grand BINIverse concert sa Araneta Coliseum noong unang araw ng event.

Bonggang entrance ng BINI sa Grand Biniverse concert day one, mabilis nag-viral
Bonggang entrance ng BINI sa Grand Biniverse concert day one, mabilis nag-viral ( BINI_ph)
Source: Facebook

Agad na naging viral ang video clip ng kanilang entrance na ibinahagi ng Smart Araneta Coliseum sa kanilang Facebook page.

Sa nasabing clip, makikita ang grupo na tila nagmula sa isang bulaklak at nagpakita sa kanilang mga fans na kung tawagin ay ‘Blooms’. Malakas na hiyawan ang maririnig lalo na at Pantropiko ang una nilang kinanta.

Read also

Alden Richards, inihayag bakit palagay niya’y compatible sila ni Kathryn Bernardo

Ang entrance na ito ay hindi lamang nagpasaya sa mga fans na dumalo sa concert, kundi naging trending topic din online dahil sa enerhiya at talento ng BINI.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram – get the most important news directly in your favourite app!

Matapos ang viral video, sunud-sunod na ang mga papuri mula sa mga netizens, mga fans, at mga sikat na personalidad na nagbigay ng suporta sa grupo.

Samantala, Dahil sa inaasahang hagupit ng Bagyong Pepito, ipinatupad ang kanselasyon ng ikalawang araw ng BINIverse concert.

Gayunpaman, nilinaw ng mga organizers na hindi matitinag ang plano para sa Day 2 na dapat ay gaganapin sa Nobyembre 17. Ipinagbigay-alam nila sa mga ticket holders ng Day 2 na magkakaroon pa rin sila ng pagkakataon na mapanood ang BINI sa Nobyembre 19.

Ang BINI ay isang Filipino girl group na binubuo ng walong miyembro: si Aiah, Colet, Maloi, Mikha, Gwen, Stacey, Sheena, at Tiara. Ang grupo ay unang inilunsad ng Star Magic.

Read also

Mercy ng bandang Aegis matapos ang kanyang surgery: “pag-pray niyo ako guys please!”

Mula sa kanilang debut single na “Born to Win” hanggang sa mga hits nilang “Pantropiko,” “Salamin”,”Cherry on Top” at marami pang iba, naging malaking pangalan na ang BINI sa industriya ng K-pop at P-pop, at patuloy nilang pinapalakas ang kanilang presensya hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa.

Samantala, ang BINIverse concert ay isang milestone para sa grupo, at isang patunay na patuloy nilang tinatahak ang landas ng tagumpay at pagpapalawak ng kanilang fanbase sa buong mundo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!