BLIND ITEM: Unpaid talent fees ng extra sa sikat na TV series

Naku, ilang buwan nang tapos ang isang TV series, pero hindi pa pala bayad lahat ng talents?

Ito ang nasagap na tsismis ng isang Maritess sa MRT (Metro Rail Transit).

Akalain ba namang isa sa mga pasahero pala ay extra actor sa TV series, at sa pakikipag-usap niya nang malakas gamit ang cell phone, maririnig ng madlang people ang kanyang problema: Hindi pa niya natatanggap ang talent fee.

MORE BLIND-ITEM CLUES

At binanggit pa niya ang title ng TV series. Sikat ito. Okay naman ang feedback ng viewers. Pero hindi delayed ang pagbabayad sa mga talents?

Aktor, dyinowa ang kaibigan ng kanyang girlfriend

Sikat na showbiz couple, tatlo na ang anak

At akalain ba namang ang isa sa katabi ng extra ay isa palang legit na Maritess? At siyempre, bilang tsismis ang kanyang naririnig, nag-focus daw talaga siya. Kulang na nga lang ay interbyuhin niya ang extra.

Naisip din ni Maritess, mga extra lang ba ang hindi bayad o pati mga sikat na artista?

Kung sila lang, kawawa naman. Kung tutuusin, mas kelangan nila ng pera kesa sa mga sikat ng bida na may mga endorsements at iba pang projects.

Showbiz couple, nagbunga na ang pag-career magka-baby

Rich personality, delayed magbayad ng upa sa bahay?

Sana naman ay ma-release na ang mga bayad nila.

At sana, wag naman maging norm na ibinibitin ng production ang talent fees ng mga artista—sikat man o extra.

Hindi kasi ito ang unang pagkakataon na na-delay ang pagbabayad sa mga talents. Yung iba pa nga, since last year pa yung inaantay na talent fee.

Gusto mo ng clue? Basta maraming vowels sa title ng series, yun na!