BLIND ITEM: Social-media persons nagiging hobby ang flexing

Naku, pag may nakita kayong post sa social media, wag basta magko-comment ng #SanaAll.

Andami kasing flexing na nagaganap, pero ang totoo palang nangyayari ay pagpapanggap.

Tulad na lang ng post ni FLAMBOYANT PERSON.

Ansabe, e, bumili siya ng property somewhere. Kapani-paniwala naman at aakalain mong legit dahil may pera naman siya.

Pero malaman-laman ng isang PEP source na nag-inquire lang pala si FLAMBOYANT PERSON.

Lumipas ang maraming buwan, as in iba ang naging may-ari ng property.

Ganyan din si RICH PERSON.

Ansabe, e, pagmamay-ari niya yung mansion na tinitirhan niya.

Yun pala, e, nagrerenta siya.

Nakakapagtaka ito kasi can-afford naman si RICH PERSON, pero bakit kelangang mag-rent?

Ang sabi ng PEP source, wala raw talagang money si RICH PERSON. Hindi siya liquid. Delayed din daw magbayad.

Si FABULOUS PERSON naman, nagpu-post ng mga food shots sa mamahaling restaurants na pinupuntahan niya.

Maiinggit ka kasi sexy siya kahit pa iisipin mong mahilig siyang kumain dahil nga sa mga food shots niya.

Yun pala, hanggang picture lang. Hindi niya kakainin at all dahil parating on a diet siya.

Ang masaklap, ang mga taong kasama niya para maging fabulous ang shots, ay mapapakain din sa mamahaling restaurant, di ba?

Aktor, kumpirmadong break na sa aktres; may bagong karelasyonAktor, kumpirmadong break na sa aktres; may bagong karelasyon

Guwapong aktor, malapit nang maging isang ganap na ama

Misis, nakumpirma ang affair ng asawang aktor sa aktres

Pero KKB, as in kanya-kanyang bayad, daw.

Si FABULOUS PERSON din yung very generous ang dating sa fans. Pero hindi always. May ganyan siyang attitude sa katrabaho.

Mahirap malaman kung sinu-sino sa mga personalities ang authentic versus mga flexers lang.

Kaya wag basta-basta maniniwala sa nakikita sa social media.

And always remember, people tend to only show the good side. Pero hindi sila perfect.

Kapag too much, too good to be true, malamang, forda view or engagement lang iyan.

Aktor, dyinowa ang kaibigan ng kanyang girlfriend

Sikat na showbiz couple, tatlo na ang anak

Showbiz couple, nagbunga na ang pag-career magka-baby