Binibining Pilipinas 2024 winners | PEP.ph

Kinoronahan si Myrna Esguerra ng Abra bilang Binibining Pilipinas International 2024.

Hindi napigilan ni Myra na mapaluha nang tawagin ang kanyang pangalan sa kakatapos na Binibining Pilipinas 2024 coronation night.

Siya rin ang nanalo ng Best in Swimsuit at Best in Evening Gown.

Ginanap ang pageant sa Araneta Coliseum, Linggo, July 7, 2024.

Bago mag-ala una ng umaga ng July 8 natapos ang programa.

Nanalo namang Binibining Globe 2024 si Jasmin Bungay ng Pampanga.

First runner-up si Christal dela Cruz ng Zambales, at second runner-up si Trisha Martinez ng Pila, Laguna.

Binibining Pilipinas 2024 winners: Seen above are Binibining Pilipinas International 2024 Myrna Esguerra (second to the right), Binibining Pilipinas Globe 2024 Jasmin Bungay (third to the right), Binibining Pilipinas first runner-up Christal Jean dela Cru
Seen above are Binibining Pilipinas International 2024 Myrna Esguerra (second to the right), Binibining Pilipinas Globe 2024 Jasmin Bungay (third to the right), Binibining Pilipinas first runner-up Christal Jean dela Cru

Photo/s: Binibining Pilipinas YouTube

BINIBINING PILIPINAS 2024 JUDGES

Panay babae ang mga hurado sa pageant ngayong taon.

Kabilang dito sina Rhea Tan (Beautiderm CEO), Bea Rose Santiago (Ms. International 2013), Fifi Sharma, Pia Wurtzbach (Miss Universe 2015), at Gloria Diaz (Miss Universe 1969).

Kasama rin sina Andrea Rubio (Ms. International 2023), Margie Moran (Miss Universe 1973) at Conchitina Bernardo (chairman of the board of judges).

BINIBINI QUEENS

Isa sa highlights ng pageant ay ang pagbibigay-pugay sa past Binibining Pilipinas titleholders.

Isa-isa silang rumampa on stage.

Kabilang sina Miss Suprational 2013 Mutya Datul, Miss Interconinental 2021 Cindy Obenita, Miss International 197- AURARA BIJUAN, Miss International 1979 Melanie Marquez, Miss International 2013 Bea Rose Santiago, at Miss International 2016 Kylie Verzosa,

Rumampa rin sina Miss Universe 1969 Gloria Diaz, Miss Universe 1973 Margie Moran, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, at Miss Universe 2019 Catriona Gray.