BINI Maloi apologizes for reposting a video mocking PWDs

Humingi ng paumanhin sa publiko ang BINI member na si Maloi Ricalde matapos niyang magkomento at i-repost ang isang video sa TikTok na diumano’y nanghahamak sa mga may kapansanan.

Isang lalaki sa TikTok ang nag-upload ng video kamakailan kunsaan makikitang sumasayaw siya sa saliw ng kantang “Kampana ng Simbahan.”

Kapansin-pansin dito ang pagiging exaggerated ng lalaki na tila nangingisay-ngisay pa habang sumasayaw.

Napukaw ang atensiyon dito ni Maloi at hindi niya napigilang mapakomento.

Saad niya sa comment section ng post, “NAPATAWA MO AKO HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.”

Bukod sa pagkukomento ay ni-repost din ni Maloi ang naturang video.

NETIZENS REACT

Mabilis na pinag-usapan online ang nasabing video.

Marami rin sa mga netizen ang nadismaya sa pagku-comment at repost ni Maloi.

Napag-alaman kasing ang naturang video ay sinadyang gawin ng lalaki para gayahin ang pagsasayaw ng mga person with disability o PWD.

Tweet ng isang dismayadong netizen (published as is), “As a bloom and as a kid of a PWD, I find her humor very alarming. Never naging katawa-tawa at ginagawang laughing content ang mga PWD. They don’t deserve to be treated that way. Imagine going through a difficult condition tas pagtatawanan ka? Shame on you, Maloi.”

BINI Maloi apologizes for reposting a video allegedly mocking PWD

Himutok pa ng isa, “Laughing at and reposting a video that mocks people with disabilities is NOT and will never be okay. To that Louie guy, Maloi, and EVERYONE who liked, laughed, or reposted this video, please take the time to educate yourselves and learn why this is topic is sensitive.”

BINI Maloi apologizes for reposting a video allegedly mocking PWD

Sabi pa ng isa, “gurl hindi ko siya kayang panoorin nang matagal? i hope maloi truly learns from this. it’s so disappointing.”

BINI Maloi apologizes for reposting a video allegedly mocking PWD

BINI MALOI ISSUES PUBLIC APOLOGY

Tila agad namang nakarating kay Maloi ang samu’t sariling komento at batikos tungkol sa kanyang ginawa.

Kaya sa X (dating Twitter) nitong September 11, 2024, minarapat na niyang magsalita para humingi ng paumanhin sa lahat na kanyang nadismaya.

Giit ni Maloi, wala siyang intensiyong manghamak at makapanakit ng iba lalo ng mga may kapansanan.

Ganunpaman, ituturing daw niya itong leksiyon, na sa susunod ay maging maingat sa kanyang ipu-post at ila-like sa social media.

Mababasa sa tweet ni Maloi (published as is): “Saw the tweets. I am deeply sorry. It will never be my intention to hurt anyone.

“I respect everyone regardless of who and what they are. I will be more careful next time.

“Thank you to those who educated me nicely. I appreciate you all.”

Samantala, kung mayroong bumatikos kay Maloi ay mayroon din namang fans na ipinagtanggol siya.

Ayon sa mga ito, malinaw naman daw na hindi alam ng BINI member na may masamang pakay ang video na kanyang ni-repost kaya pakiusap nilang tigilan na ang pamba-bash sa P-pop idol lalo pa’t humingi na ito ng tawad.

Mensahe ng isang netizen kay Maloi (published as is), “thank you for taking accountability, and hoping that everyone will be educated moving forward. love you, maloi!”

BINI Maloi apologizes for reposting a video allegedly mocking PWD

Saad pa ng isa, “Your humility and willingness to learn mean so much, Maloi. We all make mistakes, and what matters most is how we grow from them. Thank you for addressing the situation with grace and openness.”

BINI Maloi apologizes for reposting a video allegedly mocking PWD

“for context, nag-post yung guy ng kampana vid, a trend na ginawa rin ni maloi. for sure, maloi wasn’t aware na nangm-mock na pala yung guy sa version niya at nagulat rin siguro siya sa reply nung guy na he’s mocking pwds pala. i think everyone should be educated, not just maloi. i hope that instead of throwing shade or making [Maloi] seem like a bad person because of this, you’ll also learn to be open minded and have a proper discussion about it. it’s important to be willing to educate others in a kind and respectful way,” dagdag pa ng isa.

BINI Maloi apologizes for reposting a video allegedly mocking PWD
BINI Maloi apologizes for reposting a video allegedly mocking PWD