Bini Jhoanna sa post ng kanyang Mommy Jhonna: “Anong kinalaman ng picture ko?”

– Napa-react si BINI Jhoanna Robles sa post ng kanyang ina

– Naisipan kasi ng kanyang ina na magbigay paalala sa publiko patungkol sa maulang panahon

– Maging ang mga netizens ay naaliw sa palitan ng komento nina Jhoanna ay kanyang ina

– Si Jhoanna ang leader ng PPop girl group na BINI

Napa-react si BINI Jhoanna Robles sa post ng kanyang ina sa social media, kung saan pinaaalalahanan ng kanyang Mommy Jhonna ang publiko na mag-ingat ngayong tag-ulan

Bini Jhoanna, napa-react sa post ng ina na may picture niya
Bini Jhoanna, napa-react sa post ng ina na may picture niya (BINI Jhoanna Robles)
Source: Facebook

Subalit ang naging agaw-pansin dito ay ang larawan ni Jhoanna na maging siya ay nagtaka at inusisa ang ina.

Nang tanungin ni Jhoanna ang kanyang ina kung anong koneksyon ng kanyang larawan sa mensahe tungkol sa ulan, simple lamang ang sagot ni Mommy Jhonna: “Wala lang, para masaya.” Ang sagot na ito ay nagbigay daan sa iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens, na tila naguguluhan sa pagsasama ng personal na larawan sa mensahe ng pampublikong paalala.

Read also

Mark Andrew Yulo, nagkomento sa post ni Caloy: “Dapat mag sorry ka sa nanay mo”

Gayunpaman, marami rin ang naaliw sa naging reaksyon ni Jhoanna sa post ng kanyang Mommy Jhonna na hindi pa rin naman nakalimot na magmalasakit sa kapwa.

PAY ATTENTION: Click “See First” under the “Following” tab to see KAMI news on your News Feed

Narito ang kabuuan ng post na ibinahagi rin ng Kapamilya Online World:

Si Jhoanna Robles ay miyembro ng sikat ng Pinoy girl group ngayon, ang BINI. Binubuo ito nina Aiah, Mikah, Colet, Stacey, Gwen, Maloi, at Sheena. Sila ang grupo sa likod ng popular na mga awiting “Pantropiko”, “Salamin,” “Huwag muna tayong umuwi” at marami pang iba.

Matapos ang matagumpay at sold-out nilang 3-day concert noong Hunyo, pinakaaabangan naman ngayon ang Grand BINIverse na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Nobyembre. Sa unang anunsyo, Oktubre 4 sana ang nasabing big event subalit kinailangan umano itong malipat sa ibang petsa at ginawa pa nila itong dalawang araw. Ngunit, sa pinakabagong update ng BINI, ginawa pa nilang tatlong araw ang Grand Biniverse concert. At kahit pa ginawa nilang tatlong araw ang naturang konsyerto, sold out pa rin ang lahat ng mga araw na ito.

Read also

Mark Andrew Yulo, sinagot ang bumatikos sa pagpost niya ng kanyang pagbibisikleta

Matatandaang minsan nang napuri ni Karen Davila ang grupo. Bukod umano sa husay ng mga ito sa kanilang larangan, kahanga-hanga ang kwento ng buhay ng bawat isa bago nila matamasa ang tagumpay ngayon. Sa naturang panayam din ni Karen sa grupo, naikwento ni Sheena ang pagpanaw ng ina sa kalagitnaan ng pandemic habang siya ay nasa training Star Hunt Academy.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!