Binati ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. nitong Huwebes, Agosto 29, an
Binati ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. nitong Huwebes, Agosto 29, ang mga atleta nasa 2024 Paris Paralympics Games, at tinagurian silang “champions” ng diwa ng pagiging Pilipino.
Isinulat ni Marcos ang pahayag bilang dedikasyon sa lahat ng mga atletang sasabak sa 2024 Paralympics, kabilang sina Allain Keanu Ganapin, Angel Mae Otom, Agustina Maximo Bantiloc, Cendy Asusano, Ernie Gawilan at Jerrold Pete Mangliwan.
Sinabi ni Marcos na walang parangal o gantimpala ang makakapantay sa karangalang ibinibigay nila sa bansa, at nangakong ang buong bansa ay sumusuporta sa kanila sa bawat hakbang ng kanilang paglalakbay.
#PilipinasToday
#Paralympics2024
#PBBM