
Billy Crawford returns to hosting Masked Singer Pilipinas on TV5
Makalipas ang tatlong taon, nagbabalik ang Masked Singer Pilipinas Season 3 ng TV5.
Natagalan man, masaya ang host na si Billy Crawford sa pagbabalik ng singing reality show.
“You know, it feels wonderful, kasi everything is in God’s time para sa akin, kasi I got to spend time with my son nung hindi pa namin ginagawa yung Masked Singer.”
Turning five years old sa September ang anak nina Billy at Coleen Garcia na si Amari.
Pagpapatuloy ni Billy, “Nung dumating yung offer ng Masked Singer sa amin, e, dun na parang naging malaking blessing ulit, e, because I got to have fun again.
“For Masked Singer, para akong naglalaro, promise! Tapos nagsama pa kami ng tatay kong si Daddy Janno, e wala, talagang magulo na ‘to.
Ang tinutukoy niyang Janno ay si Janno Gibbs.
Magsisimula ang Season 3 ng Masked Singer Pilipinas ngayong Sabado, May 17, 2025, at Linggo, May 18, 7:45 P.M., sa TV5 at Sari Sari Channel.
BILLY CRAWFORD ON WORKING WITH ARTHUR, JANNO
Makakasama ni Billy ang celebrity judge-detectives na susubukang hulaan ang mga mukha sa likod ng maskara at boses: Nadine Lustre, Janno, Arthur Nery, at Pops Fernandez.
Ano ang pinaka-challenging na parte na maging host ng Masked Singer Pilipinas?
“Pati na rin ang host, the biggest challenge for me also is kailangan kong kilalanin kung sino ang nasa loob ng maskara because siya at siya yung makakausap ko.
“Kaya that, I guess, is my biggest challenge for me, and also, kung paano kong ititigil magsalita si Arthur Nery, kasi ang daldal niya po dito sa Masked Singer Season 3,” natatawang lahad ni Billy.
Inspirado si Billy sa mga makakasama niyang judges.
“That’s actually what gives me strength—to actually do better at my job. Suportahan lang naman ‘tong trabahong ‘to, e.
“Kung may isang nakikita kang medyo… Everybody has their bad days, di ba? Paggising mo ng umaga hindi naman maganda ang araw mo kaagad-agad, e.
“Pero just by staying positive, it keeps everybody positive around you. So kung si Daddy Janno magpapatawa, sasakyan ko na rin!
“So everybody has the same energy and just feeds off of each other. Iyon, gumagaan lang yung trabaho.”
Sabay dagdag ni Billy, “And hello, I’ve been doing this for more than 30 years.
“Nagpapasalamat lang ako na gumagaan at gumagaan lang yung trabaho ko, kasama ng mga talented and amazing performers.”
BILLY CRAWFORD ON WORKING WITH NADINE
Kumusta katrabaho si Nadine?
“I’ve worked with Nads so many times and she has not changed once. She’s always professional, iyan yung makikita niyo kay Nadine, e.
“She does her own makeup, and you know, she’s always on time, and she’s always prepared, iyon si Nadine.”
Best memory with Nadine?
Pagbabahagi ni Billy: “Kung kilala niyo si Nads kasi, tahimik na tao si Nads, e, yung out there na outspoken [pero], she’s [also] very tahimik, she’s very smart.
“Paminsan-minsan sobrang mahiyain yun, pag may sasabihin siya yung walang nakakarinig, so kailangan mong, ‘Ano yun, Nads?’
“Tapos ayaw na niyang ulitin, hindi na niya uulitin yun kasi nahihiya na siya, ganun siya e. So that’s how I know Nadine.
“And when she works, ganun talaga siya, pero there are certain memories din na kengkoy din kasi si Nads, e. Palaban din yun especially sa hulaan, competitive din yung tao.”
Kung meron kang gustong pasalihin sa Masked Singer, sino yun?
“Siguro ako sa sobrang dami ng beses na na-mention yung pangalan niya, gusto kong sumali sa Masked Singer si Jed Madela.
“Kasi si Jed ang isa sa pinakakilala kong singers na kayang-kayang mag-iba ng boses niya, sa mataas, sa mababa, so yun yung sa tingin ko mahihirapan kilatisin, si Jed Madela.”
Sa Masked Singer Pilipinas, 16 na talentadong singers ang magpapasiklaban suot ang kani-kanilang makukulay na costumes.
Bawat isa’y may tinatagong tunay na katauhan — ngunit iisa lamang ang mananatiling masked hanggang sa dulo at magiging grand winner ngayong season.
Source: Billy Crawford returns to hosting Masked Singer Pilipinas on TV5