Bianca Tan flattered to be tagged Heart Evangelista’s look-alike

Unang pelikula ng newbie actress na si Bianca Tan ang Believe It Or Not kung saan gumaganap siya bilang si Brenda, ang “queen bully” sa kanilang paaralan.

Bianca Tan
Bianca Tan

Photo/s: Rommel Gonzales

Believe It Or Not? movie

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“I auditioned po for this role,” umpisang sinabi ni Bianca.

BIANCA THANKFUL THAT SHE NEVER EXPERIENCED SEVERE BULLYING

Sa tunay na buhay, si Bianca ba ay bully rin? O siya ba ang naging biktima ng pambu-bully?

Lahad ni Bianca, “Sa totoong buhay po, hindi ko naman po masasabing nakapag-bully na ako, pero I’m also human so meron din po akong mga downside, like pag minsan, like mataray, mga ganun po.”

May tinarayan na siya?

“Like,” at natawa si Bianca.

“I mean, ano lang po, like, hindi naman po ako bully, e.”

Siya ba ay nakaranas na ng bullying?

Nag-isip muna si Bianca bago sumagot, ”Ang pagkakaalala ko po… recently naman hindi po ako na-bully, pero when I was in grade school po, madalas po akong nabu-bully.

“Pero I have two sisters po, so sila yung nagtatanggol sa akin.”

Ano ang eksaktong pambu-bully sa kanya na natatandaan niya?

Pagbabalik-tanaw ni Bianca, “Ah, parang… ang naaalala ko po, is parang inaasar lang po ako sa mga bagay-bagay ng mga kaklase ko noong grade school.”

Hindi naman daw matinding pambu-bully ang dinanas ni Bianca.

Aniya, “Hindi naman po like physical, more on words po.”

Bukod sa pag-aartista ay isang modelo si Bianca.

“Yung career ko po before is I do ramp modeling and mga product shoot po.”

Hindi pa raw nasubukan ni Bianca na sumali sa anumang beauty pageant.

Plano ba niya?

“Hindi naman po ako magsasalita ng tapos pero kung meron pong opportunity na maibibigay sa akin, why not po,” ang nakangiting tinuran pa ng twenty three-year old na si Bianca.

Nag-iisang artista si Bianca sa pamilya niya.

Dahil all-out kontrabida si Bianca sa Believe It Or Not, hindi ba siya nag-aalala na baka magkaroon siya ng imahe bilang isang maldita o bully?

“Hindi naman po ako natatakot kasi doon sa Believe It Or Not na movie, kung napanood niyo po or mapapanood niyo po, naging mabait naman po ako doon,” ang masayang pagbabahagi pa ni Bianca.

BIANCA IDOLIZES HEART EVANGELISTA

Idolo ni Bianca at nais tularan si Heart Evangelista.

“Maganda po yung fashion sense niya and gusto ko rin po yung acting niya bilang artista.”

May pagkakahawig sila ni Heart sa personal.

“Mayroon naman pong nakapagsabi pero nakakahiya po, mas maganda po si Ms. Heart.”

Nang masabihan siya na magkahawig sila ni Heart, ano ang naging pakiramdam niya?

“Feeling ko… siyempre po naging happy ako kasi po idol ko po si Heart Evangelista.”

Sa mga male stars naman sino ang nais ni Bianca na maging leading man balang-araw?

“As of now po wala pa po akong naiisip na gusto kong maka-partner pero like… favorite male star ko po is si Paulo Avelino and also si Dingdong Dantes.

Samantala, kasalukuyang nag-iikot at ipinapalabas ang Believe It Or Not sa mga eskuwelahan nationwide.

Mula sa direksyon ni Errol Ropero at sa producer na si Atty. Aldwin Alegre ng AFA Entertainment at A and Q Film Productions, Inc., tampok rin sa Believe It or Not sina Potchi Angeles, Shira Tweg, Dwayne Garcia, Daffne Louise, Niño Vergara, Jared Miguel, Duna Duncan, Niño Vergara, Christian Villanueva, Christa Jocson, Jhassy Busran, Artan Akthar at marami pang iba.