Bianca Gonzalez, may inamin sa PBB Hosting: “I felt the most massive pressure this season”

– Inamin ni Bianca Gonzalez na nakaramdam siya ng matinding pressure sa hosting ng Pinoy Big Brother: Gen 11 ngayong season

– Sinabi niyang mahirap gampanan ang role ng pagho-host nang wala si Toni Gonzaga, na itinuturing na mukha ng show

– Pinuri niya ang mga kasamahan sa hosting na sina Robi Domingo, Kim Chiu, Melai Cantiveros, Enchong Dee, at Alexa Ilacad na nagbigay-inspirasyon sa kanya

– Nagpasalamat siya sa kanyang team sa likod ng kamera na sumuporta sa kanya sa gitna ng hamon ng araw-araw na trabaho

Binigyang-diin ng Pinoy Big Brother (PBB) host na si Bianca Gonzalez ang matinding pressure na kanyang naramdaman sa hosting ng Pinoy Big Brother: Gen 11. Sa kanyang Instagram post, inamin ni Bianca na sa kabila ng kanyang mga karanasan sa pagho-host, naramdaman niya ang “pressure” sa kasalukuyang season.

Bianca Gonzalez, may inamin sa PBB Hosting: “I felt the most massive pressure this season”
Bianca Gonzalez, may inamin sa PBB Hosting: “I felt the most massive pressure this season”
Source: Instagram

Ayon kay Bianca, “I didn’t tell anyone, but I felt the most massive pressure this season—who wouldn’t? To do our first season without Toni, who is the face of the show and the only one who can do it the way she does, is no easy task.” Inamin niyang hindi madaling pumalit sa ginampanang papel ni Toni Gonzaga, na kinikilala bilang orihinal na mukha ng show. Dahil dito, tinutukan niyang mabuti ang kanyang hosting upang maipakita ang kanyang tunay na personalidad at maiparating ang kuwento ng mga housemates nang may hustisya.

Read also

Iya Villania, inaming pagod nang umire: “So, let’s end it with five, okay?”

Pinuri rin ni Bianca ang mga kasamahan niyang sina Robi Domingo, Kim Chiu, Melai Cantiveros, Enchong Dee, at ang bagong co-host na si Alexa Ilacad. Aniya, itinuturing niyang parang mga nakababatang kapatid ang mga ito, at malaki ang naitulong nila upang gawing makabuluhan at masaya ang kanyang trabaho bilang host. “They are some of the BEST in the industry and I learn so much and are so inspired by just watching them shine,” sabi ni Bianca.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram – get the most important news directly in your favourite app!

Dagdag pa niya, malaking bagay ang suporta ng kanyang team sa likod ng kamera na nakatulong upang malampasan ang pang-araw-araw na hamon ng hosting. Sa kabila ng pressure, ipinakita ni Bianca ang dedikasyon at pagpapasalamat sa bawat miyembro ng production na nagtrabaho para maging matagumpay ang season na ito ng PBB.

Si Bianca Gonzalez ay nakilala bilang isang TV host. Naging bahagi rin siya ng Pinoy Big Brother: Celebrity Edition kung saan naging 3rd place siya. Bukod sa pag-host sa Y Speak, naging host din siya ng Pinoy Big Brother Teen Edition UpLate.

Read also

Claudine Barretto, naka-relate sa pinagdadaanan ni Rita Daniela: “I myself was a victim years ago”

Nakilala din siya bilang isa sa mga “angels” ni Big Brother sa PBB. Kasama niya sina Toni Gonzaga at Mariel Padilla sa mga nakaraang seasons ng sikat na TV show. Gayunpaman, kamakailan nga matapos mag-resign ni Toni sa PBB ay siya ang naatasang mag-host sa naturang reality show.

Matatandaang hindi napigilang maging emosyonal ni Bianca sa pagtatapos ng “Pinoy Big Brother: Kumunity” Season 10. Sa kanyang Instagram story ay binahagi niya ang picture nilang tatlo kasama sina Mariel Padilla at Toni Gonzaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!