Bianca Gonzalez and JC Intal, sumabak na rin sa house to house campaign: “Magkasama kami sa pagtindig na ito”

Bianca Gonzalez-Intal ng may kasiyahan na ibinahagi ang ilang mga larawan nila ng kanyang asawang basketbolistang si JC Intal habang sila ay nagsasagawa ng house to house campaign.

Ang celebrity couple ay nangangampanya para sa pagtakbo sa pagkapangulo ni VP Leni Robredo at sa pagka-bise presidente ni Sen. Kiko Pangilinan.

Sa isang post sa kanyang social media account, ibinunyag ni Bianca na sila ng kanyang asawa ay dati nang sumusuporta sa iba’t ibang mga kandidato.

Sinabi niya na ngayon, sila ay magkasama at sumusuporta sa tandem nina Leni at Kiko.

Sa isang tweet, sinabi ng TV host na iba-iba ang kanilang ibinoboto ng kanyang asawa sa mga nakaraang eleksyon.

“Sa mga nakaraang eleksyon, hindi kami laging pareho ng ibinobotong kandidato ng asawa ko,” tweet ni Bianca.

Sinabi rin niya na labis silang nalulugod na magkasama sila ngayon sa pangangampanya para sa parehong mga kandidato.

“Pero ngayon, pareho kami ng ipinaglalaban at masaya akong magkasama kami sa pagtindig na ito,” sabi niya sa tweet.

Sa huli, sinabi ni Bianca na boboto sila ng isang kandidato na magpapabuti sa kinabukasan ng kanilang mga anak.

“Botong maipagmamalaki namin at para sa aming mga anak,” ayon kay Bianca.

Si Bianca Gonzalez-Intal ay isang TV host at tagasuporta ng UNICEF. Ikinasal siya sa basketbolistang si JC Intal noong Disyembre 4, 2014 sa El Nido, Palawan. Siya ang pangunahing host ng Pinoy Big Brother.