BGYO accepts apology from respondent in cyber libel case
Tinanggap ng BGYO members na sina Gelo, Nate, Mikki, Akira, at JL ang public apology ng isa sa mga netizen na kanilang sinampahan ng criminal case.
Nitong Biyernes, September 6, 2024, kasama ang legal counsel ng grupo na si Atty. Joji Alonso, humarap ang grupo sa media upang talakayin ang mga kaso at reklamo na kanilang isinampa laban sa bashers na lumikha ng malisyosong nilalaman sa social media laban sa mga miyembro ng P-pop boy group.
Sa mediacon na ito rin personal humingi ng tawad ang isa sa respondents ng kanilang reklamo, si Rachelle Galang.
Binasa ni Rachelle ang kanyang pahayag sa harap ng grupo at ng media.
Personal siyang humingi ng paumanhin kaugnay sa lahat ng video, na may mapanirang impormasyon laban sa BGYO, na kanyang ibinahagi sa Tiktok noong Abril 23, 2024.
Ang kanyang buong statement: “Ako po si Rachelle Galang, na taos-pusong humihingi ng tawad sa BGYO, Star Magic, at sa lahat po ng fans ng BGYO na naapektuhan at nasaktan ng dahil sa aking nagawa.
“Boluntaryo akong nagpunta dito ngayon upang ipaabot ang aking mensahe sa BGYO na siya ring ikapapayapa ng aking pag-iisip at kalooban.
“Noong April 23, 2024, ako po ay nag-upload ng video sa aking Tiktok account na naglalaman ng hate, bashing, at false accusations laban sa BGYO na walang ebidensya at purong paninirang puri laban sa kanila.
“Noong gabi ring yon, agad kong binura ang na-upload na video dahil sa pagsisisi at alam ko po sa aking sarili na walang katotohanan ang mga nasabi ko.
“Noong August 1, 2024, nalaman ko na ako ay sinampahan ng kasong kriminal dahil sa pag- upload ko ng nasabing video na naglalaman ng paninirang puri sa pagkatao ng mga miyembro ng BGYO.
“Ako po ay nagsisisi sa aking nagawa at gusto kong itama ang aking pagkakamali.
“Ang social media ay isang makapangyarihang platform na may malawak na saklaw.
“Kahit sino ay maaaring makapanood ng na-upload na video o makabasa ng mga na-post dito, mabuti man o hindi.
“Kaya marapat na gamitin ito sa maayos at tamang paraan at huwag gamitin para pakapanakit ng ibang tao dahil hindi natin alam ang maaring maidulot nito sa ating sinisiraan.
“Ito ay magiging malaking aral sa akin. Kaya laging tatandaan ang katagang ‘think before you click’ at laging mag-isip bago mag-upload sa social media dahil maraming tao ang maaari nitong ma apektuhan.
“Again po sa BGYO, Star Magic, and BGYO fans I’m really sorry for my wrongful actions and from the bottom of my heart, this will serve as a lesson for me.
“Maraming salamat po sa inyong pagintindi at pagpapatawad.
“Lubos na gumagalang, Rachelle Galang.”
BGYO: APOLOGY ACCEPTED
Pagkatapos nito, nakipagkamay sa mga miyembro ng BGYO si Rachelle, kabilang ang kanyang ina, bilang tanda ng pagtanggap ng grupo sa kanyang paghingi ng tawad.
Binasa ni Gelo, ang lider ng BGYO, ang pahayag ng buong grupo tungkol sa kanilang pagpapatawad
Ang statement ng grupo: “Kami po sa BGYO ay naging target ng mga taong sadyang gumawa at nagpakalat ng malicious accusations and rumors para siraan kami.
“Nuong una po, kami ay nanahimik lang, hoping it will blow over.
“Hinayaan lang namin ito dahil alam namin, ng aming Management, at ng aming pamilya ang katotohanan.
“Pero patuloy na lumakas ang loob ng mga haters sa pag-iimbento ng mga kwento laban sa amin na nagdulot ng sobrang emotional and mental distress at naapektuhan ang aming reputasyon at career.
“Kaya naman po we have filed cases para harapin ang mga issues na ito sa tamang forum. Isa sa mga nasampahan namin ng kaso ay si Ms. Rachel Galang.
“Kanina po ay nabasa namin ang statement ni Ms. Galang kung saan siya ay personal na humingi ng tawad sa amin.
“Tatanggapin po namin ang kanyang pag-amin ng pagkakamali. Bilang konsiderasyon na lang din po sa kanyang pamilya ay iuurong po namin ang kaso laban sa kanya.”
BGYO: THE BATTLE CONTINUES
Sa sunod na bahagi ng kanilang statement, sinabi ni Gelo na itutuloy pa rin nila ang kaso laban sa iba pang indibidwal na sinampahan nila ng reklamo.
“Gayunpaman, ipagpapatuloy po namin ang iba pang mga kaso na isinampa namin. We hope that Ms. Galang and other netizens would learn from this and stop spreading baseless and malicious allegations against other persons.
“We hope that we can inspire other youths who are victims of cyberbullying and malicious disinformation to recognize their self-worth, realize that they have proper avenues to fight back, and to have the courage to stand up for themselves.”
Sa pahayag naman ni Atty. Joji na natanggap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), binanggit niyang boluntaryong humingi ng tawad si Rachelle, ngunit hindi ito nangangahulugang patatawarin na rin ng BGYO ang iba pang sinampahan nila ng kaso.
Itutuloy pa rin ng grupo ang mga reklamong isinampa nula laban sa iba pang netizens.
Ang statement ni Atty. Joji: “On June 19, 2024, the members of BGYO filed criminal cases against online bashers who have maliciously imputed falsehoods and defamatory accusations against them.
“These deliberate attacks were of serious nature with the only intention of harming and damaging their reputation.
“One of the cases filed was against Ms Rachelle Galang, who, during the preliminary hearing, sought forgiveness for what she committed and offered to personally issue a public apology to BGYO and Star Magic.
“This humble request of Ms. Galang was accepted, if only to show consideration and the good will of BGYO to her sincere expression of regret.”
“However, the acceptance of her apology which was accorded to Ms. Galang, does NOT mean that the BGYO and its management will no longer take action on other pending criminal cases.
“This is a sui generis case or a one-time exception for this particular circumstance. We will pursue all other cases and we will ensure that justice will be served for BGYO.”
Pagpapaalala naman ni Atty. Joji, “May this serve as a reminder to all that in today’s digital age, where online platforms serve as powerful tools for communication, freedom of speech is not absolute and without consequence.
“As cyber libel emerges to be a serious concern, our public expression of thoughts and opinions must always be accompanied by a sense of responsibility and accountability to avoid harmful repercussions.”
Matatandaang noong June 19, 2024, Miyerkules, personal naghain ng mga reklamo ng cyberlibel at unjust vexation ang BGYO sa Quezon City Prosecutor’s Office laban sa netizens na diumano’y nagpapalaganap ng maling impormasyon laban sa kanilang mga miyembro.
Ang pagsasampa nila ng reklamo ay dulot sa mga ipinapakalat na akusasyon ng bullying, cheating, at drug-use laban sa grupo.
READ MORE: