Ben&Ben’s Paolo Benjamin Guico now engaged to longtime girlfriend

“Engaged na si ben1. Congratulations, Paolo Benjamin!”

Ito ang caption ng official Facebook page ng bandang Ben&Ben na nai-post nitong Biyernes, January 24, 2025.

Si Paolo Benjamin Guico ang frontman ng banda.

Last January 23, may naka-upload na video sa official FB page ng banda kunsaan makikitang nag-propose si Paolo sa kanyang longtime girlfriend na si Rachel Maria.

Photo of the couple

Screenshot ng isang eksena sa proposal ni Paolo Benjamin Guico sa kanyang girlfriend. Photo: @benandben music on IG

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sa umpisa ng video ay makikitang nagbibiruan ang magkasintahan at naglalakad.

Bahagya pang tinampal ni Rachel sa kaliwang balikat si Paolo.

Maoobserbahang nasa isang private place sila na may gazebo.

Sila lang dalawa ang tao, at isang lalaking tumutugtog ng gitara.

GIRLFRIEND ACCEPTS PAOLO BENJAMIN GUICOS’S PROPOSAL

Pagsapit nila sa gazebo, lumuhod si Paolo Benjamin sa harapan ni Rachel at ipinakita rito ang singsing.

Bakas ang kilig kay Rachel nang tanggaping ang singsing mula sa nobyo.

Pagkatapos ay mahigpit na nagyakap ang couple.

Nagtapos ang video na magkayakap pa rin ang dalawa at ipinakikita ni Rachel sa viewers ang singsing.

Ang video ay may layover text na, published as is, “tomorrow with you my dear. thank you for saying yes.”

Ang “Tomorrow With You” ay isa sa mga awitin ng Ben&Ben.

Ito rin ang background music sa uploaded proposal video.

PAOLO BENJAMIN GUICO IS TRULY CERTAIN RACHEL IS “THE ONE”

Sa official Instagram account ng banda, na may handle na @benandbenmusic, naka-post ang larawang kuha habang nakaluhod si Paolo sa harapan ni Rachel sa may gazebo.

May layover text ang photo na, published as is, “to the love of my life.”

Sa sumunod na photo ay makikita naman ang magkasintahang parehong masaya habang ipinapakita ni Rachel ang engagement ring na suot na niya.

Screenshot og IG post

Ang screenshot ng IG post tungkol sa proposal ni Paolo Benjamin Guico kay Rachel. Photo: @benandbenmusic on IG

May layover text ang photo na siya ring caption ng IG post na nagsasaad ng, published as is: “While lovely, surreal moments make me feel that I’m with the right person, the mundane seasons of life, and even the periods of struggle, make me feel truly certain that you are the one I want to spend the rest of my life with.

“I’ll face the beauty and pain of life with you, one day at a time for the rest of our lives.”

Nag-celebrate sina Paolo at Rachel ng kanilang third anniversary last December 2024.

Shopping cart