Bea Alonzo, Vincent Co spotted hanging out with Heart, Chiz

Mas tumindi ang hinala ng netizens na may espesyal na ugnayan nga sina Kapuso actress Bea Alonzo at Puregold scion na si Vincent Co.

Ito’y matapos maispatan ang rumored couple sa reposted Instagram Stories ni Heart Evangelista ngayong Lunes, June 2, 2025.

Sa litrato, makikitang tila nasa isang bar sina Bea at Vincent, Heart at asawa nitong si Chiz Escudero, kasama ang iba pa nilang mga kaibigan.

Ngunit ang nakatawag-pansin sa maraming netizens ay ang pagiging sweet nina Bea at Vincent sa larawan.

Makikita si Vincent na nakayapos kay Bea na nasa kanyang harapan.

Kapansin-pansin din ang kamay ni Bea na nakahawak sa braso ni Vincent habang nakasandal ang aktres sa kanya.

Maliban sa mga pangalang naka-tag sa post, walang caption na inilagay si Heart,

Bea Alonzo and Vincent Co spotted hanging out with Heart Evangelista
Bea Alonzo and rumored boyfriend Vincent Co (third and fourth from left) were spotted with Heart Evangelista and husband Chiz Escudero (third and fourth from right), and other friends.

Photo/s: Screengrab Heart Evangelista on Instagram

BEA ALONZO-VINCENT co SIGHTINGS

Hindi ito ang unang beses na naispatan sina Bea at Vincent na magkasama.

Noong May 5, lumabas ang espekulasyong may espesyal na relasyon ang dalawa nang kumalat sa social media ang screenshot ng pamamasyal ng isang lalaki at isang babaeng nakatalikod habang magkahawak-kamay.

Base ito sa ulat ng Insiderph.com na unang naglathala ng litrato mula sa Instagram account ni Vincent.

Kuha iyon sa isang beach sa Andalucia, Spain.

Hindi tinukoy ni Vincent ang babaeng kasama niya, pero hinihinalang si Bea iyon na nagbakasyon din sa Spain kamakailan.

Bea Alonzo likes Vincent Co's IG post of a couple holding hands while walking by the beach in Andalucia, Spain.
Bea Alonzo likes Vincent Co’s IG post of a couple holding hands while walking by the beach in Andalucia, Spain.

Photo/s: Vincent Co IG via @moviequeenbea Twitter

Noong April 21 at 24, 2025, may mga Instagram post si Bea na kuha niya sa Andalucia at Sevilla sa Spain.

Nakasuot siya ng beige blazer, black skirt, at white rubber shoes.

Tugma iyon sa suot na blazer at black skirt ng nasa litrato ni Vincent. Pati ang haba ng buhok ni Bea at buhok ng nasa litrato ni Vincent ay pareho rin.

Bea Alonzo takes a photo with her Bash luggage at Andalucia, Spain
This is one of Bea’s photos from her IG carousel where the location tagged is Andalucia, Spain.

Photo/s: @beaalonzo Instagram

Nasundan pa ito noong May 10 nang maaktuhan naman sina Bea at Vincent na magkasama sa Bangkok, Thailand.

Kasalukuyang nasa Suvarnabhumi Airport, pauwi ng Pilipinas, ang dalawa nang makunan sila ng litrato.

Bea Alonzo and Vincent Co were recently spotted at Suvarnabhumi Airport in Bangkok, Thailand.
Bea Alonzo and Vincent Co were recently spotted at Suvarnabhumi Airport in Bangkok, Thailand.

Photo/s: Courtesy of FashionPulis

Pagkarating sa Pilipinas, naispatan muli sina Bea at Vincent na nagdi-dinner sa isang restaurant sa Bonifacio Global City, Taguig.

WHAT PEP KNOWS ABOUT BEA-VINCENT’S RELATIONSHIP

Ayon sa impormasyong nakalap ng PEP Troika, matagal-tagal nang nagde-date sina Bea at Vincent, hindi pa man nagba-viral online ang litrato nilang magkasama sa Spain.

Sinasabing masugid sa panliligaw si Vincent kay Bea, pero low-key lamang ang dalawa noon.

Ayon pa sa source ng PEP Troika, nang minsang magkasakit si Bea habang nasa Siargao ay pinasundo pa ito ni Vincent via chopper para makauwi agad sa Maynila.

Patuloy raw ang magandang pagkakakilanlan ng dalawa.

Isa pang source ang napangiti nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung nasa dating stage sina Bea at Vincent.

Ayon naman sa isa pang source ng PEP, kumpirmadong sina Bea at Vincent na.

Source: Bea Alonzo, Vincent Co spotted hanging out with Heart, Chiz