Bea Alonzo trends on X following Widows’ War premiere

Iyakan, sampalan, at matinding emosyon agad ang ipinakita sa pilot episode ng bagong mystery-murder series ng GMA-7 na Widows’ War.

Inabangan at tinutukan ito ng netizens dahilan para mag-trending sa X (dating Twitter), nitong July 1 at 2, 2024, ang Widows’ War at ang isa sa bida ritong si Bea Alonzo.

Widow's War pilot episode

Sa serye, gumaganap si Bea bilang si Sam, ang matalik na kaibigan ni Carla Abellana (George).

NETIZENS REACTION TO BEA’S ACTING

Kabilang sa mga eksenang kinaantigan at hinangaan ng maraming netizens ay ang madamdaming pamamaalam ni Bea sa namayapang ama nang malamang ito mismo umano ang kumitil sa sarili nitong buhay.

Widow's War pilot episode

Photo/s: Screengrab @GMA Network

Nangyari ito sa pilot episode ng serye noong July 1.

Tweet ng isang netizen, kalakip ang video clip kuha sa nasabing eksena: “We can’t deny that she is one of the great actresses of her generation, even though you throw so much hate at her. Queen things Movie Queen Bea Alonzo. #WidowsWar.”

Widow's War pilot episode

Saad pa ng isa, “Pilot episode pa lang, pinakitaan agad tayo ni Queen Bea Alonzo! Pakahusay.”

Widow's War pilot episode

Napabilib din ang netizens sa malutong at intense na sampalan nina Sam (Bea) at George (Carla) nang magsumbong ang ina ni Sam, ginampanan ni Timmy Cruz, na pinagsamantalahan siya ng ama ni George, ginampanan ni William Lorenzo.

Sabi ng netizen, “Kaloccah! Bardagulan agad first episode pa lang?! Tsaka grabe yung mata sa mata actingan ng Bea Alonzo at Carla Abellana. Si muntikan ng matanggal yung tenga sa lakas ng sampal ni Bea. Ang laki ng inimprove ni Bea sa pagarte since nung lumipat sya sa GMA trewww. #WidowsWar.”

Widow's War pilot episode

Sa episode 2 naman nitong July 2, Martes, hinangaan din ang madamdaming linya ni Bea habang kinakausap nito ang litrato ng namayapa niyang ama.

Tweet ng isang netizen, “Bea Alonzo you’re a freaking superstar I never doubted you your acting is insane you deserve to sweep all the Best Actress awards for this role! Monologue queen! #WWFriendshipOver #WidowsWar.”

Widow's War pilot episode

Marami rin ang humanga sa ipinakitang emosyon ni Bea nang maglitanya siya pagkatapos paratangan ng kapatid na si Francis (Jeric Gonzales) na hindi affected sa pagkamatay ng kanilang ama.

Ayon sa isang netizen, “That’s mother right there. Ate so hard and left no crumbs. Bea Alonzo’s giving us this level of performance on FREE TV?!? Whoah. Just incredible.”

bea alonzo widows' war

Photo/s: Screen grab from X

Sabi pa ng isa, “Ang nag isang #beaalonzo sorry pero siya ang biggest star sa GMA highest paid actress pa. Juskoooo yung face card at acting skills nanglalamon.”

Widow's War pilot episode

Komento naman ng isa, kalakip ang screen shots mula sa nasabing eksena, “Shared all these 10 potos with captions. Di jo kaya may ma iwan sa photos. Ang galing. Naririnig ko boses while reading the captions.”

bea alonzo widows' war

Photo/s: Screen grab from X

Sa panayam ni Bea sa 24 Oras, buong puso siyang nagpasalamat sa mga tagahanga niyang tumutok at nag-abang para sa kanyang series comeback.

Pahayag niya, “I’m very happy, gusto kong magpasalamat sa lahat ng tumutok at nanood.

“Marami ring salamat sa mga nagbigay ng magagandang comments at nag-review sa aming show.”