Bea Alonzo Leaves Dominic Roque, Mommy Mary Anne Overjoyed!

Aktres na si Bea Alonzo, kumpirmadong hiniwalayan muli ang boyfriend na si Dominic Roque sa utos ng kanyang ina.Usap-usapan ngayon sa kanilang mga social media platforms ang balitang hindi matutumbasan ang kaligayahan na nararamdaman ngayon ng ina ni Bea Alonzo dahil tuluyan ng iniwan ng kanyang anak ang dati nitong fiancee na si Dominic Roque noon pa man ay hindi na niya gusto.Ayon pa sa kanilang mga haka-haka na noon pa man ay hindi na pabor ang ina ni Bea Alonzo sa pakikipagrelasyon ng aktres kay Dominic Roque dahil hindi naman umano ito kasikatan at hindi rin kasing yaman ni Bea Alonzo.Ito rin umano ang dahilan kung bakit hinimok ni Mommy Mary Anne noon si Bea Alonzo na papirmahin ng prenuptial agreement si Dominic Roque.Samantala, naging laman ng talakayan nina Cristy Fermin sa kanilang programa sa YouTube channel nilang Showbiz Now Na ang pinakabagong balita na nasasagap nilang patungkol kay Mommy Mary Anne.Ayon kay Cristy Fermin, ipinarating sa kanila ng kanyang kaibigan na nakakita sa ina ni Bea Alonzo na labis anng tuwa at galak ngayon. Nang tanungin umano ito sa dahilan ng kanyang kasiyahan ay kaagad nitong isiniwalat na may kaugnayan ito sa tuluyang paghihiwalay nina Bea Alonzo at Dominic Roque.Kabilang din sa isiniwalat ni Cristy Fermin na hindi lamang desisyon ni Bea Alonzo ang pakikipaghiwalay kay Dominic Roque kundi desisyon rin ito ng kanyang ina sa ilang beses ng inuutusan ni Bea Alonzo na iwan ni Dominic Roque.