Bea Alonzo Files Lawsuit Against Ogie Diaz and Cristy Fermin

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa kanilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang pormal na pagsasampa ng kaso ng Kapuso actress na si Bea Alonzo laban sa mga showbiz reporters na sina Ogie Diaz at Cristy Fermin.

Ayon sa mga kumakalat ng balita, personal na nagpunta ang dalagang aktres sa Quezon City Prosecutors Office para maghain ng tatlong magkakahiwalay na cyber libel laban sa mga showbiz columnists na sina Ogie Diaz at Cristy Fermin at sa kani-kanilang mga co host sa mga online showbiz programs ng dalawa.

Bukod sa mga showbiz columnists, kinasuhan din ni Bea Alonzo ang isang pang indibidwal na nagpapanggap na tao na malapit sa kanya.

Ayon sa isinampang reklamo ni Bea Alonzo naging biktima siya ng mga malisyuso, mali at mapanirang mga balita galing sa isang nagpapanggap na kaibigan niya na siyang pinag-uusapan naman sa mga YouTube vlogs nina Cristy Fermin at Ogie Diaz.

Matatandaan na unang isiniwalat nina Cristy Fermin at Ogie Diaz ang naging hiwalayan nila ni Dominic Roque. Napag-usapan rin sa talakayan ng mga ito ang naging negosyo ni Dominic at ang umanong paghahangad ni Bea ng bonggang kasal na malalampasan pa ang kasal noon ng DongYan.

Isiniwalat din ng mga ito ang pagpapapirma ni Bea Alonzo ng prenuptial agreement kay Dominic Roque bago ang kanilang kasal.

Bukod pa rito, kamakailan lamang ay naisiwalat ni Cristy Fermin sa kanyang show oriented vlog ang kasiyahan ngayon ng ina ni Bea Alonzo sa tuluyang paghihiwalay nila ni Dominic Roque.

Samantala, sinamahan naman si Bea Alonzo ng kanyang manager na si Shirley Kuan at abogadong si Atty. Joey Garcia para pormal nang ireklamo sina Ogie Diaz at Cristy Fermin kasama na ang mga kasamahan nila sa programa.

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng anumang pahayag ang panig nina Ogie Diaz at Cristy Fermin sa kasong kinakaharap nilang pareho.