BBM sa nalalapit na Eleksyon sa Mayo 9; “Maging mapagbantay sa ating mga boto”
Naglabas ng paalala si Bongbong Marcos sa papalapit na Halalan sa Mayo 9. Patuloy pa rin niyang sinasabi ang tungkol sa pagkakaisa na madalas niyang sabihin sa kanyang mga campaign rallies. Subalit ang mas binigyang diin niya ay ang pagbabantay umano sa boto ng bawat isa upang hindi raw ito muling nakawin ninoman. Si Marcos ang umano’y nangunguna pa rin sa survey ng napupusuang pangulo ng mga Pilipino.
Nalaman ng KAMI na patuloy pa rin ang pagpapaalala ni Marcos sa pagkakaisa na siyang dapat na ginagawa umano ng mga Pilipino ngayong patuloy pa rin tayong humaharap sa krisis na dulot ng pandemya. Hangad din daw niyang maging karapat-dapat sa pagtitiwalang ibinibigay umano sa kanya ng kanyang mga supporters.
“Gayunman, kung iba ang inyong napupusuan, ay hiling ko rin po sa inyo ang sama-sama tayong pumunta sa ating presinto para bumoto. Kailangan nating makiisa sa halalan. Ito’y sagrado nating panangutan sa ating bayan, sapagkat isang mahalagang sangkap ito ng ating paghuhusga kung sino ang mamumuno pagkaraan ng pilian,” sabi ni Marcos.
Isa rin sa binigyang diin niya ay ang pagbabantay umano sa boto upang hindi raw ito muling manakaw.
“Sa darating na Mayo 9 ay kailangan din po tayong maging mapagbantay sa ating mga boto. Protektahan po natin ang ating naging desisyon at ‘wag po nating hayaang ito’y muling nakawin sa atin.”
Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:
Si Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos Jr. o kilala rin sa kanyang initials na BBM ay isang Filipino politician na nagserbisyo sa bansa bilang senador mula 2010 hanggang 2016. Siya ang pangalawang anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating First Lady Imelda Romualdez Marcos.
Samantala, kamakailan ay pormal nang inihayag ng Iglesia ni Cristo (INC) ang pag-endorso nila sa kandidatura ng pagka-pangulo ni Marcos at si Mayor Sara Duterte naman bilang kanyang bise presidente. Ilan din sa senatorial slate ng UniTeam ay pasok din sa mga umano’y suportado ng INC. Kilala ang religious group na ito sa bloc voting kung saan mahalaga umano sa kanila ang paggalang at pagsunod kung sino ang kandidatong kanilang susuportahan o ieendorso.