Bangkero sa Surigao, naiyak matapos makatanggap ng biyaya mula kay Madam Kilay
Isang maikling video ang ibinahagi ni Madam Kilay sa social media kung saan ipinakita niya ang pasasalamat ng mga bangkero sa Surigao. Ito ay matapos niyang abutan ang mga ito ng tig-5,000 dahil sa pagkaawa niya sa kalagayan ng mga ito. Sa isa pang detalye, natuklasan ni Madam Kilay na P120 lang ang kita ng mga bangkero sa tatlong oras nilang byahe upang ihatid ang kanilang mga pasahero.
Napaiyak ang isa sa anim na bangkerong binigyan ni Madam Kilay ng tig-5,000. Ito ay dahil sa napakaliit na halaga lang umano ng kanilang kita sa loob ng tatlong oras na byahe. Pinasalamatan ni Madam Kilay ang mga bangkero at iginagalang niya ang kanilang trabaho.
Ani pa ni Madam Kilay, hindi niya napigilang maawa sa sitwasyon ng mga bangkero sa Surigao kaya naman ibinahaginan niya sila ng biyayang kanyang natanggap. Tinawag din niya ang mga tatay na bangkero at ipinahayag ang kanyang respeto sa kanila.
Si Madam Kilay o Jinky Anderson ay unang naging kilala sa Facebook sa kanyang mga tutorial ukol sa kilay. Ipinamahagi din niya ang kanyang buhay bilang asawa ng isang Afam. Sa ngayon, kinalaunan ay naghiwalay sila ng kanyang unang asawa at nakilala niya ang kanyang kasalukuyang boyfriend na si Michael.
Kahit nasa Amerika siya sa kasalukuyan, marami pa rin sa kanyang mga tagasuporta sa Pilipinas ang sumusubaybay sa kanyang mga kaganapan. Kamakailan, ibinahagi ni Madam Kilay ang tungkol sa reklamo ng kanyang kapitbahay sa kanila kasama ang kanyang boyfriend na si Michael. Ipinamalas rin niya ang video kung saan nabagsak niya ang isang mamahaling camera.