Balitang Trending:

“RAILWAY RENAISSANCE” NI PANGULONG MARCOS, MAGSUSULONG SA PAG-ULAD NG BANSA

Sa kanyang ikatlong State of the Nation Address, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang Pilipinas ay nasa gitna ng isang “railway renaissance” na magpapabuti sa interconnectivity ng bansa sa pamamagitan ng mga mass transit projects tulad ng Metro Manila Subway, North-South Commuter Railway, at LRT-1 extension.

Ayon kay Meralco Vice President and Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga, kailangan ng bansa ng maayos na railway network para sa maasahan, epektibo at ekonomikong mass transport system na makatutulong pag-ayos ng daloy ng trapiko at pagsulong ng ekonomiya. Base sa pagsasaliksik ng Japan International Cooperation Agency (JICA), PHP3.5 billion kada araw ang nawawala sa bansa dahil sa traffic congestion sa Metro Manila.

Binanggit rin ni Zaldarriaga ang kahalagahan ng mga private sector partnerships sa pangangalaga at pag-operate ng mga rail lines, tulad ng Metro Pacific Investments Corp. (MPIC) at San Miguel Corp., sa kanilang mga proyekto sa MRT-3 at MRT-7.

Strategic investment na maituturing ang pagpapalawak ng railway network ng bansa dahil ang pagpapalawak at pagpapabuti ng railway network ay hindi lamang magdudulot ng mga benepisyo sa ekonomiya kungdi pati na rin upang magkakaroon ng mas mabilis at maginhawang uri ng transportasyon ang mga commuters.