Balitang Trending:

ALLOWANCE NG MGA LOLO AT LOLA SA MAYNILA, DOBLE NA!

Mula sa P500 kada buwan, tataasan na ang allowance ng mga senior citizens sa Lungsod ng Maynila sa P1,000.

Ito ay bilang katuparan ng pangako ni Mayor Honey Lacuna-Pangan na dagdagan ang nasabing allowance na ipinamimigay ng lungsod sa mga nakatatandang residente dito. Inaprubahan ang ordinansa ng Konseho ng lungsod sa ilalim ng pamumuno ni Vice Mayor Yul Servo Nieto.

Magsisimulang ipamahagi ang bagong halaga sa mga ManileƱo lolo at lola simula sa susunod na taon.