Balitang Trending:
RENT-TO-OWN PABAHAY NA NASA P2,000 HANGGANG P3,000 BUWANANG HULOG PARA SA MGA MANILEÑO
Mabibigyan ng pagkakataon ang mahihirap na Manileño na magkaroon ng sariling bahay sa tulong ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila.
Inilunsad ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang rent-to-own na mga abot-kayang condominium units sa Pedro Gil Residences, na may 20-palapag at 299 residential units at mga modernong pasilidad tulad ng swimming pool, fitness room, at function room.
Ayon sa ina ng lungsod, sa halagang P2,000 hanggang P3,000 buwanang hulog, maaari nang maging ganap na may-ari ng bahay ang mga Manileño. Taliwas ito sa nangyari noong nakaraang administrasyon kung saan nananatiling “assignees” lamang ang mga tenants.