Balitang Trending:

SCHOOL SUPPLIES PARA SA TSKITINGS SA DAY CARE CENTERS MULA SA MANILA LGU

Nabahaginan ng school supplies ang mga mag-aaral sa day care centers sa Lungsod ng Maynila.

Namahagi si Mayor Honey Lacuna-Pangan at ang Manila Department of Social Welfare (MDSW) ng gamit pang-eskwela kamakailan sa mga estudyante ng mga Day Care Centers sa District 1.

“May libro, may uniform, may sapatos pa. May mga notebooks, lapis, hygiene kit, at saka raincoat,” sabi ng ina ng lungsod habang isa-isang ipinamamahagi ang mga kagamitan sa mga batang mag-aaral.

Ang inisyatibang ito ay bahagi ng malawakang programa ng lungsod para sa suportahan ang edukasyon ng mga Manileño students mula sa pamamahagi ng school supplies sa mga nasa day care, pagpapagawa ng Science laboratories para sa high school students, hanggang sa pagbibigay ng graduation gift sa college graduates ng dalawang kolehiyo ng lungsod.