Balitang Trending:

P2000 CASH GIFT PARA SA MGA GRADUATES NG MGA LOKAL NA UNIBERSIDAD NG LUNGSOD NG MAYNILA

Makakatanggap ng tig-dalawang libong piso bilang “cash gift” ang mga mag-aaral na magtatapos sa mga unibersidad ng Lungsod ng Maynila.

Pinirmahan na kamakailan ni Mayor Maria Sheilah “Honey”Lacuna-Pangan ang Ordinance No. 9068 na nagbibigay ng insentibo sa mga mag-aaral na magtatapos sa Universidad de Manila at Pamantasang Lungsod ng Maynila.

Sinabi ni Mayor Lacuna-Pangan sa kanyang talumpati sa graduation ceremony ng Universidad de Manila nitong buwan na ang layunin ng hakbang na ito ay upang hikayatin ang mga estudyante na magsikap para makagraduate sa kolehiyo.

Dagdag ng ina ng lungsod, bilang mga “Iskolar ng Maynila,” umaasa siya na makapagbibigay inspirasyon ang mga graduates sa mas maraming mag-aaral na makamit ang kanilang mga pangarap sa kabila ng mga hamon.