Babae patay; apat sugatan sa hit-and-run sa General Santos City

– Isang pasahero ng tricycle ang nasawi habang apat ang sugatan sa isang hit-and-run na aksidente sa General Santos City

– Nabangga ang tricycle ng isang pickup truck habang binabaybay nila ang highway sa Barangay Labangal

– Tumakas ang driver ng pickup truck ngunit kalaunan ay sumuko matapos matunton ang kanyang address sa Polomolok, South Cotabato

– Pinaniniwalaan ng mga awtoridad na lasing ang driver sa oras ng aksidente at inako nito ang lahat ng gastusin ng mga biktima

Isang babae ang nasawi habang apat pa ang sugatan matapos masangkot sa isang hit-and-run na aksidente sa pagitan ng isang tricycle at pickup truck sa General Santos City.

Babae patay; apat sugatan sa hit-and-run sa General Santos City
Babae patay; apat sugatan sa hit-and-run sa General Santos City
Source: Youtube

Ayon sa Traffic Enforcement Unit ng General Santos City Police Office (TEU-GSCPO), papunta sana ang mga biktima, na pawang magkakamag-anak, sa Surallah, South Cotabato nang mangyari ang insidente. Sila ay sakay ng isang tricycle at tinatahak ang pambansang lansangan sa Barangay Labangal nang bigla silang mabangga ng isang pickup truck.

Read also

44-Anyos na babae brutal na pinatay sa Sara, Iloilo; stepdaughter, ginahasa ng suspek

Isa sa mga pasahero ang agad na binawian ng buhay sa lugar, habang ang iba ay dinala sa ospital para gamutin.

Matapos ang aksidente, tumakas ang driver ng pickup truck.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang 31-anyos na driver ng pickup ay sumuko makalipas mahanap ng mga awtoridad ang kanyang address sa Polomolok, South Cotabato. Pinaniniwalaan ng pulisya na ito ay lasing nang mangyari ang aksidente, kahit hindi niya ito inamin.

Nangako ang driver na sasagutin ang lahat ng gastusin ng mga biktima. Ayon kay Pauya, hindi na magsasampa ng kaso ang pamilya ng mga biktima.

Gayunpaman, sinabi ng pulisya na maaaring maharap pa rin sa kaso ang driver dahil sa pag-abandona sa mga biktima.

Wala pang pahayag na inilalabas ang driver hinggil sa insidente.

Sa ibang balita,isang 18-anyos na babae ang natagpuang patay sa kanyang inuupahang bahay sa Lungsod ng Baguio.Batay sa ulat ng GMA, natagpuan siyang walang saplot – Nakita rin na may saksak sa kanyang leeg nang madiskubre ang kanyang bangkay. Ayon sa ulat ni CJ Torida ng GMA Regional TV One North Central Luzon, isang kaibigan ng biktima ang nag-alala nang hindi ito sumasagot sa mga tawag, kaya’t napagpasyahan niyang tingnan ang kalagayan ng biktima.

Read also

Apat na trabahador, hinihinalang na-suffocate sa fermentation pool sa pagawaan ng patis sa Bulacan

Ang mga larawan mula sa burol ni Mae Fatima Tagactac, ang Grade 12 student na natagpuang patay sa isang lodging house, ay ibinahagi sa social media. Ibinahagi ang mga larawan ng Brigada News FM Toledo. Sa mga larawan, makikita ang kanyang ama na nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang anak. Ang suspek sa pagpatay sa dalaga ay nananatiling malaya at hindi pa nahuhuli.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!