Ayon kay Senate Majority Leader Francis Tolentino, isinama ang bagong probisyon

Ayon kay Senate Majority Leader Francis Tolentino, isinama ang bagong probisyon na layuning lumikha ng karagdagang tanggapan ng Public Attorney’s Office (PAO) at Prosecution Service, na tinanggap naman sa counterpart ng panukala sa House of Representatives.

Kabilang ang mga panukala na pangunahing isinusulong ni Senator Tol ang House Bills No. 6582, 6583, 6584, 8247, 8248, 8249, 8250, 8254, 8256, 8259, 8260, 8251, 8252, at ang Senate Bill No. 2594.

Layunin ng bicameral conferences na pagkasunduin ang mga pagkakaiba sa mga bersiyon ng panukalang ipinasa ng Senado at ng Kamara.

Sa oras na maisabatas ang mga panukala, inaasahan nitong mapagaan ang pasanin sa mga kasalukuyang hukuman at magbibigay ng mas madaling legal na paraan, na bahagi ng adbokasiya ni Senator Tol sa pagpapalakas ng hudikatura at pagtiyak na ang bawat Pilipino ay may access sa patas na hustisya.

#PilipiansToday
#FrancisTolentino
#WannaFactPH