Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, malaki ang naitutulong ng mga sensors sa
Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, malaki ang naitutulong ng mga sensors sa pagbibigay ng napapanahong air pollution advisories sa publiko sa pamamagitan ng pagpapadala ng real-time data gamit ang wireless data transmission sa Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center.
“Sa tulong ng mga device na ito, mas nagiging epektibo tayo sa pag-monitor at pagsugpo sa mga panganib na dulot ng polusyon. Nakakapagbuo rin tayo ng mga patakarang base sa ebidensya para masigurong napapanatili natin ang isang ligtas at maayos na lungsod para sa lahat,” mensahe ni Binay sa kanyang newspaper column nitong Agosto 26.
Idinagdag ni Binay na tumutulong din ang mga smart device sa monitoring ng pamahalaang lungsod sa pagtalima sa Clean Air Act at mga kaugnay na regulasyon nito, at upang matutukan ang mga lugar na makikitaan ng hindi magandang kalidad ng hangin na maaaring magdala ng panganib sa kalusugan ng mga residente.
Mayroong 824 units ng indoor air quality monitoring devices at 200 outdoor air quality monitoring devices na may mga solar panels na naka-install sa iba’t ibang lokasyon sa buong lungsod.
Tampok sa bawat air quality sensors ang pagsasagawa ng real-time monitoring ng heat index, temperatura ng paligid, CO2 level, humidity, at dust levels (particulate matter), at nakagagawa ring mag-ipon ng mga data at bumuo ng mga ulat.
Ngayong taon, naglaan si Binay ng kabuuang P165 milyon para sa pagbili ng iba’t ibang uri ng smart device alinsunod sa paggamit nito ng Internet of Things (IoT) sa environmental management initiatives ng lungsod.
#PilipinasToday
#MayorAbby
#Makati
#WannaFactPH