Ayon kay Almer Miranda, hepe ng Department of Public Works and Highways’ Pampang
Ayon kay Almer Miranda, hepe ng Department of Public Works and Highways’ Pampanga 1st District Engineering Office, inutos ang evacuation ng mga residente sa lugar dahil sa patuloy na pagguho ng riverbank.
Target sanang ayusin ang proyektong bahagi ng 23CG0041 Flood Management Program para sa mailihis ang baha sa mga pangunahing ilog at basins, sabi naman ni project engineer Enil Jan Quito.
Kinumpirma ni Quito ang pagbagsak at sinabi na ang saturation ng pilapil ay naging sanhi ng pagyuko ng mga naka-install na sheet piles.
Sinabi pa ni Quito, na ang stress na nilikha ng bigat ng sheet pile at concrete capping ay nagpilit sa deadman (o anchor) na lumipat mula sa inilagay na lokasyon o site nito.
#PilipinasToday
#Pampanga