Atty. Rowena Guanzon, sinagot ang ilang mean tweets sa kanya; “Ginagalit niyo ko ah”
Natapang na hinarap ni Atty. Rowena Guanzon ang ilang mga mean tweets na ibinato sa kanya matapos siyang mabansagang “Queen of Bardagulan.” Ipinakita ito sa kanya ng mag-asawang sina Angel Locsin at Neil Arce. Aminado si Atty. Guanzon na matapos mabasa ang mga tweets, tila nakaramdam din daw siya ng inis. Isa si Atty. Guanzon sa mga hayagan ang pagsuporta kay Vice President Leni Robredo sa kandidatura nito sa pagka-pangulo ng Pilipinas sa darating na May 9 Election.
Nalaman ng KAMI na bahagi ng panayam sa kanya nina Angel Locsin at mister nitong si Neil Arce ay ang paghingi ng reaksyon ni Atty. Guanzon sa mga mean tweets ukol sa kanya. Nang simulan niyang bahasin ang mga komento, kadalasang tinatawanan lang niya ang mga ito. Mayroon din naman siyang sinabihan na hindi umano siya naiinggit kaninoman gayung mayaman naman siya, may pension at maraming kaibigan.
“Try to spell the word, ‘ignoramus’. Kaya mo ‘yan?” ang naisagot ng dating Comelec commissioner nang sabihan siya ng isang netizen na parang hindi umano abogado kung umasta. Matapos basahin ang mga komento at tweets, aminadong nakaramdam din umano siya ng inis.
“Bakit ako maiinggit sa inyo e ang ganda-ganda ko. I’m 64 years old ah. Ginagalit niyo ako ah,” “You Know, after a while maiinis ka rin pala no?” ayon kay Guanzon. Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya mula sa The Angel and Neil channel.
Si Atty. Rowena Guanzon ay isang abogado, public servant at politician. Siya ang kaka-retire lamang na commissioner ng COMELEC na nag-serbisyo sa nasabing ahensya mula 2015 hanggang 2022. Bago ang kanyang pagreretiro, naging matunog ang kanyang pangalan kaugnay sa disqualification case ni Presidential aspirant Bongbong Marcos. Sa naging panayam sa kanya ni Ogie Diaz, naikwento ni Atty. Guanzon ang hindi niya makakalimutang childhood memory kung saan nadisiplina sila ng ama dahil sa umano’y pagnanakaw.
Kwento niya, ang payroll money na pasweldo sa kanilang mga trabahador sa hacienda ay nasa ‘brown bag’ lamang noon sa kwarto ng kanyang mga magulang. Katwiran noon ni Atty. Guanzon, bilang bata, inakala niyang ang anumang pera na nasa loob ng kanilang bahay ay sa kanya rin. Samantala, isa si Atty. Guanzon sa mga hayagan ang pagsuporta kay Vice President Leni Robredo sa kandidatura nito sa pagka-pangulo ng Pilipinas sa darating na May 9 Election.