Atty. Jesus Falcis, nagbabala sa paglabas ng screenshots ng private convo

– Nagbigay ng babala si Atty. Jesus Falcis tungkol sa legal na pananagutan sa paglalathala ng screenshots ng pribadong pag-uusap na kinasasangkutan nina Maris Racal at Anthony Jennings

– Ipinaliwanag niya na saklaw ng Data Privacy Act ang screenshots na nagpapakita ng pagkakakilanlan ng mga partido, maliban kung binura ang personal na impormasyon

– Binanggit din niya na mas mabuting gamitin ang screenshots bilang ebidensya sa korte kaysa ipaskil sa social media upang maiwasan ang cyberlibel at paglabag sa data privacy

– Ipinunto niya ang gender bias sa isyu at nanawagan na isaalang-alang ang karapatan ng lahat ng partido kahit pa nasasangkot sa kontrobersiya

Nagbigay ng babala si Atty. Jesus Falcis ukol sa legal na implikasyon ng paglalathala ng screenshots ng pribadong pag-uusap, kasunod ng kontrobersiyang kinasasangkutan nina Maris Racal at Anthony Jennings. Sa isang detalyadong post, ipinaliwanag ni Falcis na ang Data Privacy Act ay maaaring umiral sa mga ganitong sitwasyon, lalo na kung makikilala ang mga partido sa mga inilabas na screenshots.

Read also

Kampo ni Neri Naig, naglabas ng pahayag kaugnay sa atas na agarang pagpapalaya sa kanya

Atty. Jesus Falcis, nagbabala sa paglabas ng screenshots ng private convo
Atty. Jesus Falcis, nagbabala sa paglabas ng screenshots ng private convo
Source: Instagram

Ayon sa isang 2020 advisory opinion ng National Privacy Commission (NPC), saklaw ng Data Privacy Act ang screenshots na naglalaman ng personal na datos ng mga tao.

“The processing, i.e. sending out the screenshot to another person, will only come under the scope of the DPA if personal data is indeed involved—if the conversation/screenshot itself allows for the identification of the parties.,” dagdag ni Falcis. Subalit, kung binura o tinanggal ang mga pangalan at iba pang pagkakakilanlan, hindi ito masasabing paglabag sa nasabing batas.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagbabala rin si Falcis na ang pagpapaskil ng screenshots bilang ebidensya ng pananakit ng damdamin, tulad ng pangangaliwa, ay maaaring magdulot ng mas mabigat na parusa tulad ng paglabag sa data privacy bukod pa sa cyberlibel. Aniya, mas mainam na gamitin ang screenshots bilang ebidensya sa korte sa halip na ipaskil sa social media.

Ipinunto rin niya ang gender bias na lumabas sa naturang isyu, kung saan mas naipakalat ang mga mensahe ni Maris Racal na pinaniniwalaang “thirst trap,” kumpara sa mensahe ni Anthony Jennings. “Cheating is bad. But so is misogyny, enabled by violating the right to privacy.” aniya.

Read also

Xian Gaza sa pasabog ni Jam Villanueva: “Kompirmd yung splook ko noon”

Bilang pagtatapos, nanawagan si Falcis na isaalang-alang ang karapatang pantao kahit sa mga ganitong sitwasyon. “Victims have human rights. But vindicating your rights should not make more victims,” ani niya.

Si Mariestella “Maris” Cañedo Racal ay isang 23 anyos na Pinay actress, singer-songwriter, host, vlogger at endorser. Una siyang sumikat noong 2014 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: All In. Lumaki siya sa pamilyang mahilig sa musika at natutong tumugtog ng gitara sa murang edad.

Napakomento si Maris sa mga larawang kuha ng isang fan na nanood ng Summer MMFF 2023 Parade of Stars. Makikitang blurred lahat ng kuha ng fan sa mga artistang nakasama niya sa picture. Bukod kay Maris, malabo rin ang kuha ng fan na nakasama sa larawan sina Enchong Dee at Kylie Padilla. Kaya naman hiling ni Maris na makita muli ito upang maayos silang makakuha ng picture.

Sa unang pagkakataon, nagsalita si Maris Racal tungkol sa nag-viral na larawan kung saan kapansin-pansin ang magkaparehas nilang sapatos ng aktor na si Anthony Jennings. Agad na naging usap-usapan sa social media ang litrato, na nagdulot ng samu’t saring haka-haka mula sa mga netizens.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!