Arra San Agustin happy about her love life

Masaya ang love life ng Sparkle artist na si Arra San Agustin dahil happy raw ngayon ang kanyang puso.

“Ah, let’s say I’m happy,” matipid na sabi ni Arra sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Hindi na siya nagbigay ng anumang detalye kung sino ang misteryosong lalaki na nakabihag ng kanyang puso.

Sa surprise second debut party ni Arra, na handog ng kanyang fans nitong nakaraang May 17, 2025, laking gulat ng aktres sa kanyang nadatnan sa isang events place sa Ortigas Center.

Ang sabi ng handler ni Arra ay mayroon silang dadaluhang event at nakalipas na rin ang kanyang 30th birthday noong April 25, kaya hindi raw alam ng aktres paano magre-react pagpasok sa venue.

Sparkle Artist Arra San Agustin at the venue of her suprise birthday party prepared by her fans.
Arra San Agustin at the venue of her surprise birthday party prepared by fans.

Photo/s: Arniel Serato

Saad ni Arra: “Actually, hanggang ngayon pina-process ko siya. Di ko gets paano, bakit, hindi ko gets.

“Hanggang ngayon, parang nandun pa ako sa shock. Parang confused pa talaga ako, e.

“Pero sobrang thankful ako, sobrang grateful ako.”

Ayon sa fans ni Arra, tatlong buwan nilang pinagplanuhan ang surprise birthday party para sa kanilang idolo.

Kaya sobrang thankful lang daw ni Arra.

ARRA SAN AGUSTIN: “para akong chicken na pinaiikot tas pinalakad.”

Sa bandang dulo ng selebrasyon, nagbigay ng mensahe si Arra.

Labis daw ang kanyang kalituhan noong siya ay dumating sa pagtitipon.

Sabi niya: “Kanina pagpasok ko, may kinakausap ako. Sabi ko, parang yung feeling ko, para akong chicken na pinaikot ta’s pinalakad.

“Ganun yung nararamdam ko, sobrang confused ako, ta’s isa-isa ko nakikita yung mga familiar faces.

“And doon siya medyo… hindi pa siya nagsi-sink in, doon siya nag-i-start ako ma-confuse.

“Sobrang confuzzled talaga ako the whole time.”

Malaki raw talaga ang pasasalamat niya sa kanyang fans.

“Parang every time may get-together tayo, I always tell you how much I am truly grateful and how much I appreciate your presence, your time, your effort to be here, to be with me.”

Alam daw ni Arra na nag-ambagan ang fans niya para sa sorpresa nila sa kanya kaya abot-langit ang pasasalamat ng aktres sa mga ito.

Saad niya: “I always think of the people that are there for me, yung mga sumusuporta sa akin katulad ninyo na walang kapalit.

“Alam niyo yun, hindi tayo lumaki together, hindi tayo magkakadugo, pero nandiyan kayo at sobrang genuine ang suporta na pinapakita niyo.

“Yun yung pinaghuhugutan ko para magpatuloy.”

Ilan sa mga dumating na showbiz friends ni Arra ay sina Thea Tolentino at Yasser Marta.

Sa ngayon, abala si Arra sa kanyang negosyo at ilang guest appearances sa GMA-7.

Source: Arra San Agustin happy about her love life