Angeline Quinto, pinakita ang kanyang vlog noong araw na nanganak siya

Sa kanyang bagong Youtube video, binahagi ni Angeline Quinto ang pangyayari ng araw na nanganak siya. Naghintay sila ngunit nahirapan umanong bumaba ang kanyang baby kaya pinutok na ng kanyang doktor ang kanyang panubigan. Gayunpaman, hindi pa rin ito bumababa kaya nagpasya na lamang silang isailalim siya sa caesarian section. Marami naman sa mga tagahanga ni Angeline ang excited na makita na ang mukha ng baby ng kanilang idolo.

Sa kanyang pinakabagong vlog, pinakita ni Angeline Quinto ang pangyayari noong araw na nanganak siya. Nahirapan umano ang kanyang baby na bumababa kaya nagpasya na lamang silang isailalim siya sa caesarian section.

Marami naman sa mga tagahanga ni Angeline ang excited na makita na ang mukha ng baby ng kanilang idolo.

Finally congratulations sa inyo ate Angge, welcome to the world baby Sylvio, keep safe always mommy Angge, good luck sa iyong journey sa motherhood, and praying for your fast recovery mommy Angge. Ang cute ni baby Sylvio, God bless you.

Si Angeline Quinto ay kilalang mang-aawit na kinalaunan ay gumawa na rin ng pelikula at mga TV shows. Nakilala siya sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa singing contest na Star Power: Sharon’s Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mga teleserye at pelikula.

Kabilang sa kanyang mga pumatok na vlogs ay ang kanyang pakikipag-collab sa Beks Battalion. Nagkaroon din siya ng video kasama si Chad Kinis.

Isa din si Angge sa mga sikat na personalidad na pumasok na sa paggawa ng YouTube content nang magkaroon ng pandemya. Kinaaliwan ang kanyang pagiging natural na palabiro at komedyante na makikita sa kanyang mga vlog.