Angeline Quinto, na-diagnose ng gestational diabetes sa kanyang ikalawang pagbubuntis

– Binahagi ni Angeline Quinto na lumabas sa kanyang lab test na mayroon siyang gestational diabetes

– Kaya naman, kinailangan niyang limitahan ang pagkain ng matatamis at gayundin sa kanin

– Binahagi din niya na mas nahilig siya sa matatamis sa kanyang kasalukuyang pagbubuntis

– Sa kabila ng kanyang pinagdadaanan, nagpapasalamat siya sa kanyang asawang si Nonrev Daquina dahil sa pagiging supportive nito

Ibinahagi ni Angeline Quinto na lumabas sa kanyang lab test na mayroon siyang gestational diabetes sa kanyang ikalawang pagbubuntis. Dahil dito, kinailangan niyang limitahan ang pagkain ng matatamis at kanin upang mapanatili ang kanyang kalusugan at ang kaligtasan ng kanyang sanggol.

Angeline Quinto, na-diagnose ng gestational diabetes sa kanyang ikalawang pagbubuntis
Angeline Quinto, na-diagnose ng gestational diabetes sa kanyang ikalawang pagbubuntis
Source: Youtube

Ayon kay Angeline, mas nahilig siya sa matatamis sa kanyang kasalukuyang pagbubuntis, kaya’t naging hamon para sa kanya ang pag-iwas dito.

Sa kabila ng kanyang pinagdadaanan, nagpapasalamat si Angeline sa kanyang asawang si Nonrev Daquina dahil sa pagiging supportive nito. Ayon kay Angeline, malaking tulong ang suporta ng kanyang asawa sa pagharap sa kanyang kondisyon.

Read also

Lie Reposposa, binilhan ng bagong motorsiklo ang kanyang ama

PAY ATTENTION: Click “See First” under the “Following” tab to see KAMI news on your News Feed

Ang gestational diabetes ay isang uri ng diabetes na nade-develop sa panahon ng pagbubuntis. Ayon sa WebMD, ito ay nangyayari kapag ang katawan ng isang buntis ay hindi sapat na nakakagawa o nagagamit ng insulin, isang hormone na tumutulong sa pag-regulate ng asukal sa dugo. Ang kondisyon na ito ay maaaring magdulot ng mataas na antas ng asukal sa dugo, na maaaring magdulot ng komplikasyon sa ina at sanggol kung hindi ma-manage ng maayos.

Si Angeline Quinto ay kilalang mang-aawit na kinalaunan ay gumawa na rin ng pelikula at mga TV shows. Nakilala siya sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa singing contest na Star Power: Sharon’s Search For The Next Female Pop Superstar.

Sa isang vlog ay inamin ni Angeline na siya ang unang nagsabi ng “I love you” sa kanyang asawang si Nonrev Daquina. Ito ay kanyang naibahagi sa YouTube video ni Luis Manzano kung saan nakapanayam niya sina Angeline at Nonrev sa kanyang segment na Luis Listens.

Read also

Diwata, nag-ikot para mamigay ng biyaya; binalikan ang dating tirahan sa ilalim ng tulay

Naibahagi ni Angeline ang video ng kanyang pagprank kay dating Manila Mayor Isko Moreno nang i-guest siya nito sa kanyang online show. Nagkunwari si Angeline na masama ang kanyang pakiramdam at sinimulan niyang ipaalam sa staff ni Yorme na masama ang kanyang pakiramdam.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!