Andre Yllana sa amang si Jomari; “May mga bagay kasi na it’s too late na”

Andre Yllana sa amang si Jomari; “May mga bagay kasi na it’s too late na”.

Nagsalita si Andre Yllana para sa amang si Jomari; “May mga bagay kasi na it’s too late na”

Para sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita si Andre Yllana patungkol sa kanyang amang si Jomari. Bagaman maayos ang kanilang relasyon sa ngayon dahil nakakabonding niya ito, may ilan siyang paalaala sa ama. Pinayuhan niya ang ama na sana’y habang bata pa ang kanyang mga kapatid, huwag nitong sayangin ang pagkakataong mapalapit sa mga ito. Dahil sa ipinakita niyang maturity, kapansin-pansin ang pagiging isang proud mom ni Aiko Melendez.

Si Andre Yllana ang naging panauhin ng kanyang inang si Aiko Melendez sa kanyang YouTube channel na ipinalabas ngayong Agosto 14.

Nalaman ng KAMI na isa umano sa kanilang napag-usapan ay ang ama ni Andre na si Jomari Yllana. Natanong ni Aiko kung ano ang mensahe ni Andre para kay Jomari lalo na at nilarawan nitong nasa ‘best state’ silang mag-ama.

“So far so good… Dad kung napapanood mo ‘to, hindi ko pa nasasabi sa’yo to e. Pero minsan kasi may bagay na it’s too late na.” ani Andre.

Nagbiro pa ito na mag-diet na sana ang ama na napapansin niyang dumadagdag ang timbang. “Sana ‘yung mga mistake mo sa’kin dati ‘wag mo nang ulitin sa mga kapatid ko… ‘Yun ang message ko sa’yo dad.”

Kila Aiko Melendez ay isa sa mga kilalang Filipina actress sa bansa. Taong 2018 nang makamit niya ang best supporting actress para sa pelikulang “Rainbow’s Sunset.” Naging konsehal din siya ng ikalawang distrito ng Quezon City at nanilbihan sa loob ng siyam na taon hanggang 2010 at ngayon, pinalad siyang magwagi muli bilang konsehal at manilbihan sa nasabing lungsod.

Biniyayaan siya ng dalawang mga anak na sina Andre at Marthena.

Matatandaang noong 2021, naging agaw-eksena ang kanyang mga larawan na mukha lamang teenager. Marami ang humanga sa aktres na paganda nang paganda kaya naman marami na rin ang nag-aabang sa kanya sa kanyang YouTube channel na mayroon nang mahigit 800,000 na subscribers.

Source: KAMI.com.gh

Filipino Translation:
https://kami.com.ph/entertainment/celebrities/145675-andre-yllana-sa-amang-si-jomari-its-too-late-na-kasi-e/