Andi Eigenmann reacts to basher who called her “dugyot”

Pinagtawanan lang ni Andi Eigenmann ang basher na tumawag sa kanyang “dugyot.”

Sa Instagram nitong nakaraang September 20, 2024, nag-post si Andi ng portrait niya o solo pictures na tila kuha ng isang professional photographer.

Black and white photos ito.

Sabi ng aktres sa caption, “Been a while since I had my portraits taken. Although it doesn’t technically come with the job anymore, it’s nice to have fresh ones once in a while.

“To see the beauty that comes with aging. ~ ‘every year I sink deeper into this bath of unapologetic realness and it’s amazing.’ (spiral shell, hibiscus emoji)”

Ayon kay Andi, espesyal ang mga larawan dahil kuha ito ng kanyang “mahal” na si Philmar Alipayo.

Aniya, “these photos are special because it’s lovingly taken by my mahal. [two hearts emoji]”

ANDI EIGENMANN: “I KENET BREATHEEEEE”

Maraming celebrities ang nagpahayag ng kanilang papuri kay Andi. Kabilang na rito sina Eugene Domingo at Bela Padilla.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Celebs on Andi Eigenmann

Gayundin ang netizens na nagagandahan sa kanya.

Netizens, Andi Eigenmann

Pero may isang naligaw na basher na hindi maganda ang tabas ng dila.

Sinabihan niyang “dugyot” si Andi at napapabayaan na raw nito ang sarili.

Buong komento ng basher (published as), “Maganda ka nga andie sana uwag mo pabayaan sarili mo sabi nila naging dugyot kana sayang naman pinalaki ka ng mama mo na halos di madapuan ng lamot at langaw now dugyot ang sabi nila syo”

Imbes na sumagot si Andi, ini-screenshot niya ang komento ng basher at ibinahagi sa kanyang Instagram Story.

Caption niya, “HELLLLPPPPPP MEEEEE. i kenet breatheeeee (laughing in tears emojis)

Andi Eigenmann on basher

Sa nasabi pa ring post ni Andi, muling binalikan ng netizens ang nagsabing dugyot si Andi.

Pero, burado na ang komento nito.

Sabi ng netizen, “nasan yung nag comment nung nasa myday ni ms andie kukutusan ko lang sa bunbunan gigil mo ko”

Pinagtawanan naman ng ibang netizens ang nasabing basher.

Netizens and Andi Eigenmann

Sinasabi rin nila na kung dugyot si Andi, paano na lamang sila.

Netizens and Andi Eigenmann