
Andi Eigenmann, proud na proud kay Lilo na mahusay na sa pagsu-surf sa edad na lima
– Viral ngayon ang video ni Lilo habang lumulutang sa alon ng Cloud Nine sa Siargao
– Ibinida ni Andi Eigenmann ang anak sa social media na proud na proud sa kanyang husay
– Si Lilo ay nagsimulang matutong mag-surf noong 10 buwan pa lamang siya
– Sa video, makikitang kayang-kaya niyang balansehin ang sarili habang mahigit 25 segundo sa alon
Proud na proud ang aktres na si Andi Eigenmann sa kanyang anak na si Lilo matapos mag-viral ang isang video kung saan makikita ang limang taong gulang na bata na buong tapang at galing na nag-surf sa sikat na Cloud Nine waves ng Siargao. Ibinahagi ito ng Lakbay Siargao sa Instagram at agad itong umani ng papuri mula sa mga netizens at surfing enthusiasts.

Source: Instagram
Makikita sa video ang batang si Lilo na nakasakay sa surfboard, kalmado at kumpiyansang pinapasok ang alon na tila isang batikang surfer na. Mahigit 25 segundo siyang nanatili sa board habang lumulutang sa malalakas na alon—isang bagay na pambihira para sa kanyang edad. “Look at her go,” wika ni Andi habang nire-repost ang video ng anak, kapansin-pansin ang kanyang pagkatuwa at pagkamangha.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram – get the most important news directly in your favourite app!
Ayon sa Lakbay Siargao, umaga pa lang ay kasama na ni Lilo ang kanyang ama na si Philmar Alipayo—isang kilalang champion surfer—para sa kanilang bonding session sa dagat. Hindi na bago ang surfing kay Lilo dahil nagsimula siyang sumakay sa surfboard noong 10 buwan pa lamang siya. Sa murang edad, ay sumabak na rin siya sa kanyang unang surfing competition at patuloy na nagpapakita ng gilas.
Sa video, kapansin-pansin ang galing ni Lilo sa pagbalanse, pati na rin ang kontrol niya sa kanyang galaw upang makuha ang tamang pwersa mula sa alon. Bagama’t bata pa, makikita na ang natural niyang talento at comfort sa tubig, bagay na tiyak na namana niya mula sa kanyang ama.
Si Lilo Eigenmann Alipayo ay anak nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, na parehong aktibo sa Siargao island lifestyle. Si Andi ay dating Kapamilya actress na piniling iwan ang showbiz upang manirahan sa probinsya kasama ang kanyang pamilya. Si Philmar naman ay isang professional surfer na maraming beses nang kinilala sa lokal at international surfing scenes. Matagal nang ibinabahagi ng mag-partner ang simpleng buhay nila sa isla, at isa si Lilo sa mga paboritong panuorin ng netizens sa social media.
Andi Eigenmann, nasungkit ang 6th place sa sinalihang surfing competition sa Siargao. Ipinakita ni Andi na hindi lamang ang kanyang anak ang may talento sa surfing. Kamakailan lamang ay sumali siya sa isang lokal na surfing competition sa Siargao at nagtapos sa ika-6 na puwesto. Ayon sa kanya, proud siya sa kanyang naging performance lalo na’t ito ang kauna-unahan niyang pagsabak sa kompetisyon.
Andi Eigenmann, ipinasilip ang Mother’s Day celebration ng kanyang pamilya. Sa isa pang balita, nagbahagi si Andi ng masasayang larawan mula sa kanilang simpleng pagdiriwang ng Mother’s Day. Makikita sa kanyang post ang bonding moments nila ng kanyang mga anak at partner na si Philmar. Ayon kay Andi, ang ganitong mga araw ay nagpapalalim ng pagmamahalan at koneksyon nilang pamilya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!
Source: Andi Eigenmann, proud na proud kay Lilo na mahusay na sa pagsu-surf sa edad na lima