Alynna Velasquez, tinanggihan ang alok na kasal ni Hajji Alejandro para sa mga anak nito

– Binahagi ni Alynna Velasquez na inalok siya ni Hajji Alejandro ng kasal ilang taon bago ito pumanaw, ngunit piniling tanggihan ito para sa kapakanan ng mga anak ng OPM icon

– Ayon kay Alynna, hindi niya tinanggap ang alok ng kasal dahil ayaw niyang magkaroon ng alitan o komplikasyon sa pamilya ni Hajji, partikular sa kanyang mga anak

– Inamin ni Alynna na may panghihinayang siya sa desisyon, ngunit buo ang loob niyang ginawa niya ito para sa ikabubuti ni Hajji at ng mga anak nito

– Sa kabila ng emosyon, pinasalamatan ni Alynna sina Rachel at Ali Alejandro sa pakikipag-ugnayan at patuloy na umaasang magkakaroon ng kapatawaran at pagkakaayos sa pamilya ni Hajji

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Matapos ang mahigit isang buwan mula nang pumanaw ang OPM legend na si Hajji Alejandro, isang emosyonal na rebelasyon ang ibinahagi ng kanyang longtime partner na si singer Alynna Velasquez.

Alynna Velasquez, tinanggihan ang alok na kasal ni Hajji Alejandro para sa mga anak nito
Alynna Velasquez, tinanggihan ang alok na kasal ni Hajji Alejandro para sa mga anak nito (📷Alynna Velasquez/Facebook)
Source: Facebook

Sa isang panayam pagkatapos ng kanyang concert sa Viva Café sa Araneta City, ibinunyag ni Alynna na inalok siya ni Hajji ng kasal ilang taon na ang nakararaan. Ngunit sa halip na tanggapin ito, pinili niyang iwasan ang posibilidad ng komplikasyon, lalo na sa mga anak ng yumaong singer.

“Sabi ng iba bakit hindi raw ako nag demand ng kasal. He proposed to me years ago. Sabi niya magpakasal daw kami. Pero sabi ko huwag na lang baka magkaroon ng complication sa mga anak niya. So sabi ko huwag na lang,” ani Alynna sa panayam.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram – get the most important news directly in your favourite app!

Hindi maitago ni Alynna ang kanyang panghihinayang sa naging desisyon. Aniya, mahal niya si Hajji ngunit mas nanaig ang kanyang paggalang sa pamilya ng singer. Hindi raw niya inakalang mauuwi sa ganito ang lahat, kaya’t hanggang ngayon ay mabigat pa rin sa kanyang dibdib ang pagkawala ni Hajji.

“Sayang talaga. There was a chance but I decided (not to accept it) for his family. Hindi ko naman alam na mangyayari sa kanya ito,” dagdag pa niya.

Sa kabila ng lahat, ipinahayag ni Alynna ang kanyang pasasalamat sa mga anak ni Hajji, partikular kina Rachel at Ali Alejandro, na nakipag-ugnayan sa kanya matapos ang pagpanaw ng kanilang ama.

“Nag-thank you ako sa kanila,” aniya, habang bakas sa kanyang tinig ang emosyon.

Sa kanyang performance noong gabing iyon, hindi rin napigilan ni Alynna ang kanyang damdamin. Aminado siyang sinikap niyang maging matatag, ngunit nanumbalik ang lahat ng alaala. Sa ngayon, umaasa siyang darating ang panahon na magkakaroon ng pagkakaayos at kapatawaran sa pagitan niya at ng pamilya ni Hajji.

Nabanggit niya rin sa panayam sakanya ni Morly Alinio na hindi siya humiling ng kasal kaya walang dapat ikatakot ang taong hindi niya pinangalanan. Nilinaw niyang hindi niya habol ang yaman ni Hajji.

Si Alynna Velasquez ay isang Filipina singer na naging bahagi ng lokal na music scene simula pa noong dekada 80. Bagamat mas kilala sa kanyang lounge-style performances at gigs, naging usap-usapan kamakailan ang kanyang ugnayan kay Hajji Alejandro—isa sa mga haligi ng OPM. Sa maraming taon nilang pagsasama, naging bahagi si Alynna ng pribadong buhay ng singer, ngunit hindi ito madalas inilalantad sa publiko.

Samantala, si Hajji Alejandro ay pumanaw noong Abril 2025. Kilala sa mga OPM classics tulad ng “Nakapagtataka,” “Panakip Butas,” at “Kay Ganda ng Ating Musika,” iniwan niya ang isang napakalaking pamana sa industriya ng musika.

Ayon sa ulat ng KAMI, isang beses lamang pinayagang dumalaw si Alynna Velasquez sa burol ni Hajji Alejandro. Sa kanyang pahayag, sinabi niyang iginagalang niya ang desisyon ng pamilya at nagpapakumbabang hindi na rin siya nagpilit pa. Bagamat masakit para sa kanya, tiniyak niyang ipinagdasal niya si Hajji at patuloy siyang nagpapasalamat sa mga alaala nilang magkasama.

Sa hiwalay na panayam, umaasa si Alynna na balang-araw ay magkakaroon ng pagkakaunawaan sa pagitan niya at ng mga kapamilya ni Hajji Alejandro. Nilinaw niyang wala siyang intensyon na manggulo, kundi nais lang niya ang respeto at katahimikan sa pag-alaala sa yumaong OPM icon. Dagdag pa niya, handa siyang makipag-ayos kung darating ang tamang panahon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!



Source: Alynna Velasquez, tinanggihan ang alok na kasal ni Hajji Alejandro para sa mga anak nito