Alodia Gosiengfiao, dumalo sa ‘Doctor Strange’ world premiere kasama ang rumored BF

Sa kanyang Instagram post, binahagi ni Alodia Gosiengfiao ang isang video kung saan kasama niya ang rumored BF. Base sa kanyang social media post, dumalo sila sa world premiere ng pelikulang ‘Doctor Strange’ sa Los Angeles. Ibinahagi din ni Christopher Quimbo ang kanilang larawan sa pamamagitan ng kanyang Instagram story. Matatandaang unang lumabas ang balita tungkol sa kanila matapos mag-post ni Alodia ng kanilang larawan na kuha sa kanilang Palawan trip.

Muling nagbahagi si Alodia Gosiengfiao ng video kung saan kasama niya ang rumored boyfriend na si Christopher Quimbo. Base sa kanyang social media post, dumalo sila sa world premiere ng pelikulang “Doctor Strange in the Multiverse of Madness” sa Los Angeles.

Makikita sa video ang kanilang attire nang dumalo sila sa red carpet event ng Marvel film. Sa caption ay tila napatanong pa ang cosplayer kung iyon ang kanilang unang movie date. Ibinahagi din ni Christopher Quimbo ang kanilang larawan sa pamamagitan ng kanyang Instagram story.

Si Alodia mismo ang nagkumpirma tungkol sa paghihiwalay nila ng boyfriend niyang si Wil. Gayunpaman, ayon kay Wil ay maayos silang nagkahiwalay. Sinabi niya ito sa isang podcast kung saan nakasama niya ang kapatid na babae ni Alodia.

Matatandaang kamakailan lang ay lumikha din ng ingay ang pag-post ni Alodia. Ibinahagi ni Alodia ng mga larawan at videos kasama ang napapabalitang bagong boyfriend. Wala mang direktang pag-amin, makikita sa isang larawan na naka-post sa social media account ni Alodia ang pagbuo nila ng hugis puso ni Christopher.

Si Alodia Gosiengfiao ay kilala bilang isa sa pinakasikat na cosplayer sa bansa. Isa din siyang game streamer at vlogger. Naging usap-usapan ang pagpunta ni Alodia sa US noong nagkasakit si Wil Dasovich at nagpapagaling sa cancer.

Matagumpay din si Alodia sa larangan ng kanyang negosyo. Isa siya sa mga may-ari ng Tier 1 Entertainment, isang kumpanya ng e-sports entertainment. Kamakailan, nagpadisenyo sina Wil at Alodia ng kanilang bahay sa sikat na vlogger at arkitekto na si Oliver Austria. Sabay nilang pinanood ang unang bahagi ng virtual tour sa dinesenyong bahay. Gayunpaman, mag-isa na lamang si Wil sa pag-react sa ikalawang bahagi ng video ni Mantsong.