Alice Guo, dinala sa Tarlac City
Dinala sa Tarlac City mula sa Camp Crame si Alice Guo na kilala din na di Guo Hua Ping.
Ito ay dahil sa kailangan na magpakita ni Guo sa Regional Trial Court sa nasabing lungsod.
Sinabi ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, sinamahan ng Headquarters Support Service si Guo kaninang umaga.
Matatandaan na naglabas ang Capas RTC Branch 109 ng warrant of arrest laban kay Guo dahil sa paglabag sa Section 3 (e) at (h) ng Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Ipinaliwanag ni Fajardo na ang pagdadala kay Guo sa Tarlac para magpakita sa korte ay bahagi lamang ng proseso at ibabalik din siya custodial facility ng PNP sa Camp Crame kapag hindi maglalabas ng commitment order ang korte.
Kasabay nito, sinabi ni Fajardo na kailangan ng Senado na kumuha ng permiso mula sa korte bago ito payagan na muling humarap sa mga pagdinig.
Sa kabila nito, tiniyak ni Fajardo na hindi mababalewala ang arrest order ng Senado laban kay Guo kahit pa magpiyansa ito dahil sa isisilbi ang kautusan ng mataas na kapulungan ng kongreso at mailalagay sa kanilang kustodiya.
Samantala, kinuwestion ni Senator Risa Hontiveros ang pagdadala kay Guo sa Tarlac.
Binigyang-diin ni Hontiveros na dapat ay dinala si Guo sa Senado dahil sila ang unang naglabas ng arrest warrant matapos na mabigo siya na dumalo sa mga pagdinig kaugnay sa kaugnayan nito sa Philippine Offshore Gaming Operator sa bayan ng Bamban.