Alexie Brooks mourns death of grandmother

Nagdadalamhati ngayon si Miss Eco International Philippines Alexie Brooks dahil sa pagpanaw ng kanyang lola.

Nitong Lunes, September 9, 2024, nag-post si Alexie sa Instagram ng larawan nila ng kanyang lola, kalakip ang malungkot na balita sa pagkawala ng taong labis niyang minahal.

Pagbabahagi ni Alexie (published as is): “Today, I lost the person I loved more than anything, and the pain is unbearable. I’m at a loss for words.

“Lola, I loved you with everything I had, and now I feel completely shattered and unable to move on.

“I am heartbroken. God please [broken hearted emoji].”

ALEXIE PAYS TRIBUTE TO HER GRANDMOTHER

Sa isa pang Instagram post, emosyunal na binalikan ni Alexie ang mga huling sandaling kasama niya ang kanyang lola na kung tawagin niya ay Lola Basing.

Ayon sa Ilongga beauty queen, noong nakaraang buwan lang nang umuwi siya sa Iloilo para alagaan ang noo’y may sakit na niyang lola.

Sa labis na lungkot at takot, nakagawa raw ng liham si Alexie alay sa kanyang lola.

Laman ng liham kung paano nakita at naramdaman ni Alexie ang umaapaw na pagmamahal sa kanya ni Lola Basing.

Hindi raw sukat-akalain ni Alexie na ang liham na ito pala ang huling liham na maisusulat niya nang buhay pa ang kanyang pinakamamahal na lola.

Narito ang nilalaman ng liham:

Alexie Brooks grandmother

Photo/s: Alexie Brooks Instagram

Sa caption ng post, sinabi ni Alexie na bagamat ngayon ay nagluluksa siya, ang lahat ng alaalang naiwan ng kanyang lola — na itinuring rin niyang ina, ama, at matalik na kaibigan ay habambuhay niyang aalalahanin.

Mababasa rito: “I wrote this when I was next to you last month during my visit home. My hands were shaking, my heart was breaking, and tears were falling from my eyes as I writing.

“I know in my heart that you were never mine to keep. I spent the whole night staring at you, my heart deeply yearning and begging God not to take you away from me.

“Sitting next to you in the middle of the night for what turned out to be the last time few moments, I found the strength to write again.

“But who would have thought it would be my final letter to you? I am hurt, grieving, and crying; I lost the only person I have ever loved so truly and wholeheartedly.

“You are my mother, my father, my bestfriend, my mentor, my master teacher, my greatest love. God knows how much I love you and how shattered and broken I am [broken hearted emoji].”

Hindi binanggit ni Alexie ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang lola.

ALEXIE AND HER LOLA BASING’S RELATIONSHIP

Bukas si Alexie sa pagsasabi sa publiko na siya ay “certified lola’s girl.”

Si Alexie ay ipinanganak sa Pilipinas ng kanyang nanay na isang overseas Filipino worker (OFW) sa Lebanon.

Hindi na niya nakilala ang kanyang American dad.

Bagamat ipinanganak sa Maynila, lumaki si Alexie sa Leon, Iloilo, sa pangangalaga ng kanyang Lola Basing, na siya umanong humubog sa kanyang pagkatao.

“My grandma is my life. Without her, I don’t have this dream, or I don’t think that I will even be able to achieve the achievements that I have right now,” pahayag ni Alexie sa isang panayam ng ABS-CBN News.

Dagdag pa niya, “Kasi everything that I do right now or everything that I have ever done is all for her.”