Alexa Ilacad on reconciliation with Mika dela Cruz

Mismong si Alexa Ilacad ang nagkumpirmang nagkaayos na sila ni Mika dela Cruz, matapos ang ilang taon nilang hindi pag-iimikan.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alexa sa presscon ng Pinoy Big Brother (PBB) Gen 11 nitong Huwebes, July 4, 2024, kunsaan nausisa siya tungkol sa kasalukuyang estado ng pagkakaibigan nila ni Mika.

May kaugnayan ito sa napabalitang pag-follow-han nila sa Instagram kamakailan.

Alexa Ilacad is he new host of PBB Gen11

Photo/s: Khryzztine Joy Baylon

Noong June 4, 2024, napansin ng netizens na pina-follow na nina Alexa at Mika ang isa’t isa sa Instagram.

Bagay na ikinatuwa ng marami sa kanilang tagahanga, na naniniwalang posibleng manumbalik ang pagkakaibigan ng dalawa, lalo na ngayong si Mika ay kasal na kay Nash Aguas, dating ka-love team at na-link kay Alexa.

Ikinasal sina Mika at Nash sa isang resort sa Tagaytay noong May 18, 2024.

Nash Aguas, Mika dela Cruz tie the knot
Goin’ Bulilit alumni Nash Aguas and Mika dela Cruz exchange “I do’s” on May 18, 2024 at Adriano’s Events Place and Prayer Garden in Tagaytay City.

Photo/s: @Mika dela Cruz Instagram

Pagbabahagi ni Alexa sa PEP, kamakailan lang nang magkausap sila ni Mika at magdesisyong ayusin ang hindi nila pagkakaintindihan.

Kuwento niya, “Recent lang din [kami nag follow-han].

“Ayun nga, nagkaroon ng reconciliation again, [nag-usap kami].

“And ayun, everything is good.”

Hiningan din ng PEP ng reaksiyon si Alexa tungkol sa fans nila ni Mika na natuwa sa pag-aayos nilang dalawa.

Sabi nga ng ilan ay, “the world is healing.”

Nakangiting saad ni Alexa, “The world is healing? Wow! But, yeah, that’s true.

“I mean, time heals everything.

“Ito yung time namin, not forcing everything, but I’m just happy about how it feels.”

HISTORY OF ALEXA, NASH, AND MIKA

Kilalang malapit sa isa’t isa sina Alexa, Mika, at Nash dahil sila ay magkakasabay na lumaki sa ABS-CBN weekly kiddie gag show na Goin’ Bulilit.

Hanggang sa makitaan ng chemistry sina Alexa at Nash kaya sila pinagtambal.

Bukas sa publikong inamin nina Alexa at Nash na higit pa sa magka-loveteam ang turingan nila sa isa’t isa noon dahil sila ay magka-MU o mutual understanding.

Maraming proyektong pinagsamahan sina Alexa at Nash. Kabilang na rito ang teen-oriented show na LUV U (2012), Bagito, Teen Clash (2014), at ang huli ay ang primetime series na The Good Son (2017).

Hanggang noong July 2018, naging laman ng balita ang pagkabuwag sa tambalang nabuo nina Alexa at Nash na NLex.

Pahayag ni Alexa sa panayam niya sa PEP noong October 1, 2019: “Okay naman po kami [ni Nash], very civil, very professional.

“Wala lang kaming label, pero hindi siya relationship, e. Pero minahal namin ang isa’t isa.

“Four or five years, pero hindi naging official. Kasi, ilang taon lang ako nun, wala pa akong 18.

“Pero, hindi joke time yung love.

“Totoo na kung umabot sana sa tamang edad, kung hindi namin napagdaanan yung mga napagdaanan namin, sobrang possible talaga na maging kami.

“Nakikita namin na gusto namin yun.”

October 2018 nang isapubliko naman ni Nash na girlfriend na niya si Mika.

Naintriga noon ang kanilang relasyon dahil inisip ng ilang netizens na si Mika ang dahilan kung bakit nagkahiwalay sina Nash at Alexa.

Bagay na mariing itinanggi ni Nash.

Ayon sa aktor, wala na silang ugnayan ni Alexa nang magkausap silang muli ni Mika.

Sabi noon ni Nash, “Nung nag-break kami ni Alexa….Parang two months na kaming hiwalay ni Alexa, saka kami nagkita [ni Mika] doon sa reunion ng Goin’ Bulilit.”

Noong mga panahong iyon ay lumipat na si Mika sa GMA-7.

Katulad ni Nash, ganito rin ang naging pahayag ni Alexa nang eksklusibo siyang makapanayam ng PEP noong December 1, 2018.

Sagot ni Alexa sa tanong tungkol sa pagkakasangkot ni Mika sa hiwalayan nila ni Nash: “No, no, no, no. There was no third party.”

Nilinaw rin ni Alexa na pinili nilang maghiwalay ni Nash dahil sa magkaiba nilang gustong gawin sa buhay at kani-kanilang showbiz career.

Pagbabahagi ni Alexa: “It started to go on the rocky road when I started my music career. We both got busy.

“I knew I wanted different things. We had different priorities. We thought it would be better to just stay as friends.

“Like me, I don’t want a relationship.

“Of course, there were times na may samaan ng loob.

“But since we’ve established that respect within ourselves and within each other, it wasn’t something, na we both damaged each other or if we see each other magbabastusan. It was nothing like that.

“We’re both professional artists. When we see each other, kahit na may konting tampuhan, we smile at each other and we finish our work, then we go home.”

ALEXA ADMITS BEING CONFUSED BY NASH’S MESSAGE FOR MIKA

Hanggang noong October 22, 2019, muling naungkat ang relasyong Nash at Alexa nang mag-react si Alexa sa naging pahayag ni Nash tungkol sa pagmamahal nito kay Mika.

Nangyari ito nang mag-post sa Instagram si Mika ng larawan nila ni Nash kalakip ang caption na (published as is): “13 years & he still my bestfriend.”

Nireplayan ito ni Nash ng, “13 years & I’m still in love with you.”

Nang malaman ito, inamin ni Alexa na napaisip siya kung ano ang naging lugar niya sa puso ng aktor sa maraming taong espesyal sila sa isa’t isa.

Hindi rin daw kasi maitatangging bago pa magkaroon ng espesyal na relasyon sina Nash at Mika ay si Alexa ang kasa-kasama ni Nash.

Lahad ni Alexa sa panayam niya noon sa Tonight With Boy Abunda:

“They were asking me something about if I’m okay ata na si Nash and Mika na.

“And I said, yes, I’m okay.

“Then, may nabanggit lang ako na… because I saw this post and I saw Nash’s comment saying to Mika na, ‘thirteen years and I still love you.’

“So what I said was… I was kind of shocked… actually, no. I was not really shocked.

“Like I said, I knew in my heart na they’ve never really lose connection, that there’s a special place in Nash’s heart for Mika.

“I always knew. It was okay, it was fine with me.”

Patuloy pa ni Alexa, “Napaisip ako. Yun, hindi na-shock, pero napaisip ako.

“Kasi inside that 13 years, I was there.

“So, when you say na ‘13 years, and I still love you,’ where was I?

“I have four to five years in those 13. Something like that… or three to four.”

Kalaunan, may realization si Alexa para sa sarili.

“Maybe that hour I cared, but I said to myself, ‘Hmmm, not worth your time, move on.’”

ALEXA WANTS TO EXCLUDE HERSELF FROM NASH AND MIKA’S LIVES

Sa nasabing interview, direkta ring tinanong ng host na si Boy Abunda kung may “tension” sa pagitan nina Nash at Alexa, at mabilis na “no” ang isinagot ng Kapamilya actress.

Kasunod nito, tinanong ni Boy kung may tensiyon ba sa pagitan nina Alexa at Mika.

Sagot ni Alexa, “I haven’t seen her in so long, but I think there would be more tension with her than with Nash.”

Mabilis din niyang idinagdag, “I’m not mad or anything. I don’t wanna fight, that’s the last thing…

“Actually, I wanna exclude myself from them, from their lives. I just wanna cut it and leave it in the past.”